Darryl Yap sa demanda ni Vic Sotto: Sa huli katotohanan lang ang depensa

Darryl Yap sa demanda ni Vic Sotto: Sa huli katotohanan lang ang depensa

Darryl Yap, Vic Sotto

ILANG oras lamang ang nakalipas matapos magsampa ng kasong cyberlibel si Vic Sotto, may sagot agad ang kontroberayal na direktor na si Darryl Yap.

Sa kanyang Facebook page, nag-post si Direk Darryl ng mensahe na pinaniniwalaang para sa demanda laban sa kanya ni Bossing Vic kaugnay ng teaser ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Nagsampa ng 19 counts of cyberlibel ang TV host-comedian sa Muntinlupa Regional Trial Court kaninang umaga, January 9, dahil sa pagbanggit ng pangalan niya sa short trailer ng naturang pelikula.

Tahasang sinabi sa teaser video ng movie si Bossing bilang rapist umano ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma na sumikat noong dekada 80.

Baka Bet Mo: ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ next movie ni Darryl Yap, sino ang bida?

“Kalayaan ng kahit sino ang magsampa ng reklamo…

“Walang may monopolyo sa katarungan, lalo na sa katotohanan.

“Malaya ang sinuman na magsampa ng reklamo, para mas maging malinaw ang totoo.

“Dahil sa huli, Katotohanan lang ang depensa, sa lahat ng Katanungan,” bahagi ng FB post ni Darryl Yap.

Patuloy pa niya, “Inurong ba ni Pepsi ang asunto? Ang sagot ay nasa litrato.

“Hindi ba napatunayan ang akusasyon ni Pepsi? Ang sagot ay nasa litrato.

“Pero NAGSAMPA BA NG KASONG RAPE SI PEPSI LABAN KAY VIC SOTTO? Ang sagot rin ay nasa litrato.

“Nagsinungaling ba ang teaser?  Ang sagot ay wala sa litrato…

“Ito ay nasa maraming lathalain, ito ay nasa mga naburang bidyo, ito ay nasa mga lumang dyaryo.

“Alam nang mga nakakaalam noon, at alam na ng mga nagtatanong ngayon.

“Delia, Pepsi— Babalik tayo sa Korte.

“Ang Pilipino sa Sinehan. #TROPP #TROPP2025. The Rapists of #PepsiPaloma,” ang buong pahayag ni Darryl Yap.

Read more...