Ruru Madrid sa pagpapakasal kay Bianca Umali: Kung puwede ngayon na!

Ruru Madrid sa pagpapakasal kay Bianca Umali: Kung puwede ngayon na!

Ruru Madrid at Bianca Umali

KUNG siya lang ang masusunod ay gusto nang pakasalan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali.

Handang-handa na raw ang MMFF 2024 Best Supporting Actor (para sa pelikulang Green Bones) na lumagay sa tahimik kasama ang pinakamamahal niyang karelasyon.

Ayon kay Ruru, sure na sure na raw siya kay Bianca na isa sa mga taong talagang tumulong at sumuporta sa kanya para marating kung nasaan man siya ngayon sa Philippine entertainment industry.

“Sabi ko nga hindi ko po mararating ‘tong kung nasaan po ako, hindi ko makukuha ‘tong mga ‘to kung hindi ko po nakilala si Bianca,” ang pahayag ni Ruru sa panayam ng “24 Oras.”

Baka Bet Mo: Ina ni Bianca Umali namatay sa breast cancer nu’ng 5 years old siya, inatake naman sa puso ang ama pagtuntong niya ng 10

“Sobrang mahal ko ‘yung taong ‘yon. Parang ‘yung sabi ko nga, ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko, ‘yon na ‘yung dumating si Bianca sa buhay ko.

“Hindi ko ma-explain kung gaano ko siya pinahahalagahan at kung gaano siya ka-importante sa ‘kin,” ang pahayag pa ng aktor na muling bibida sa second season ng hit Kapuso action-adventure series na “Lolong.”

At sa tanong nga kay Ruru kung nakikita na ba niya ang sarili na ikinakasal kay Bianca, “Yes. Kung ako masusunod, kung puwedeng ngayon na, ‘di ba?”


“Bakit mo pa patatagalin ang isang bagay kung nahanap mo na eh ‘di ba? And alam ko sa sarili ko na hindi na ako makakahanap ng tulad ni Bianca,” katwiran pa ng award-winning actor.

Matatandaang sa naganap na MMFF 2024 Gabi ng Parangal, makikita si Bianca na umiiyak sa sobrang kaligayahan habang tinatanggap ni Ruru ang kanyang Best Supporting Actor trophy.

Sa speech naman ng aktor, nabanggit niya na malaking inspirasyon sa kanya si Bianca, at hindi niya makakamit ang tagumpay kung wala sa buhay niya ang aktres.

Bukod nga pala kay Ruru, nagwagi ring Best Actor sa MMFF 2024 si Dennis Trillo para sa “Green Bones” na itinanghal namang Best Picture this year.

Read more...