NAGLABAS ng saloobin ang King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa nakakabiglang paghihiwalay ng Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Ramdam ni Tito Boy ang sakit ng biglaang breakup nina Barbie at Jak pero bumilib daw siya sa napiling paraan ng aktres para ipaalam sa publiko ang estado ng relasyon nila ng aktor.
Sa episode kahapon, January 3, ng “Fast Talk with Boy Abunda” binasa ng premyadong host ang official statement ni Barbie about the breakup. Hiningi rin daw niya ang side ni Jak bago nagsalita sa kanyang programa.
“Seven years is a long time, masakit ito pero ang nakakabilib po is pinili ni Barbie to come from a place of love, pinili ni Barbie in that statement na ang aalalahanin ko ay ‘yung magagandang mga bagay,” simulang pahayag ng Kapuso TV host.
Baka Bet Mo: Hinanakit ni Bea: Ginagawang villain ang nanay ko, masakit ‘yun!
Patuloy pa niya, “We shared a lot of things, she’s coming from a place of love, hindi lang nag-work, pero masakit man, but they were seven wonderful years. I became who I am today because of you, because of that relationship.”
Nagustuhan din daw niya ang bahagi ng statement ng aktres kung saan sinabi nitong nais niyang matagpuan ni Jak ang pag-ibig na para talaga sa kanya.
Nagdesisyon naman si Tito Boy na huwag nang magkomento tungkol sa cryptic post ng nanay at kapatid ni Barbie sa social media.
“We don’t want to speculate kasi andami-dami po sa social media speculations kung bakit po sila naghiwalay.
“I think we should be praying na sana’y maging maayos kasi seven years from now, when we look back, we’ll be able to connect the dots kaya pala ganu’n,” aniya pa.
“I don’t wanna go into that because I might be putting meaning into some things that we don’t know. Hayaan natin sila mag-heal, but don’t get the statement wrong, it is a painful experience,” pahayag pa ni Tito Boy.
“So, Barbie, you take good care of yourself, maraming salamat for sharing with us your statement. And Jak, mag-ingat kayong dalawa, God bless the both of you,” ang mensahe pa ng King of Talk sa naghiwalay na magkarelasyon.