Direk Cathy Garcia na-shock sa talent fee ng BTS: Mahihimatay ako!

Direk Cathy Garcia na-shock sa talent fee ng BTS: Mahihimatay ako!

Cathy Garcia-Sampana at BTS

NALOKA ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana sa sinisingil na talent fee ng K-pop super group na BTS para sa isang concert dito sa Pilipinas.

Naikuwento ito ng direktor ng record-breaking movie na “Hello, Love, Again” nang makachikahan siya ng BANDERA sa press launch ng kanyang bagong talent agency, ang Klinjk (read as Klinik).

Ito ay under ng kanilang production company na NICKL Entertainment na itinayo ilang taon na ngayon ang nakararaan. May 19 artists na sila ngayon na sabay-sabay pumirma ng kontrata sa naganap na presscon.

Bukod sa pagma-manage ng mga aktor, may mga singer, songwriter at dancer din na talents ang Klinik.

Baka Bet Mo: May sama ba ng loob si Direk Cathy Garcia kina John Lloyd at Bea?

Kuwento ni Direk Cathy, nagsimula ang kagustuhan ng kanyang team na mag-manage ng mga artists nang malaman kung gaano kataas ang talent fee ng mga foreign artists kapag nag-concert dito sa Pilipinas.

“Kinukuha namin yung BTS mag-concert nu’n tapos nu’ng makita ko yung presyo, Diyos ko mahihimatay ako! If only a tenth of it can be paid to Filipino artists, ang saya sana.

“So sabi ko bakit naman ganun, ang talented naman ng mga Pinoy. Bakit hindi makaganu’n ‘no? So kailangan mahalin muna natin yung sariling atin.


“Tapos di ba, kapag director ako parang ang dami kong artistang parang gusto mo pauwiin kasi hindi marunong umarte.

“So sabi ko, ‘Ako na nga lang ang maglalagay ng aarte at para hindi uminit ang aking head.’

“So here we may be starting small lang pero mapapakita natin yung talento ng Pilipino,” dire-diretsong pahayag ni Direk Cathy.

Samantala, kinumpirma rin ng TV and movie director ang plano nilang makipag-collaborate sa ABS-CBN at Star Magic.

“Actually, I am going into partnership with them because I asked permission. Alam niyo naman na mahal ko yung ABS-CBN and I had to magpasintabi sa kanila and tell them what I am putting up.

“So, sabi naman nila tita Cory (Vidanes), in fairness to tita Cory, ‘Why don’t you partner with Lauren (Dyogi)?’ Hindi lang nagkikita yung schedule namin pero we hope to.

“Kasi eventually these artists, yung mga batang ito, lumabas na sa pelikula ni KIm Chiu and Paulo Avelino ngayon at sa Can’t Buy Me Love.

“Kumbaga, tumatawid naman po. So I am very open with that partnership. Kami naman, with what’s best for talents,” aniya pa.

Read more...