Quiapo Church may ‘schedule’ na para sa Pista ng Itim na Nazareno

Quiapo Church may 'schedule' na para sa Pista ng Itim na Nazareno

INQUIRER file photo/Marianne Bermudez

BUKOD sa pagdiriwang ng Bagong Taon, ang isa rin sa mga unang-una na inaabangan ng mga Pinoy ay ang Pista ng Itim na Nazareno.

Para maging maayos ang selebrasyon ng mga deboto, maaga nang naghanda ang Quiapo Church.

At kabilang na nga riyan ang schedule of activities para sa nasabing piyesta na ipagdiriwang sa January 9, 2025.

Ayon sa pahayag ng simbahan, ang tema para sa taong 2025 ay, “Mas mabuti ang pagsunod kaysa paghahandog (1 Sam. 15:22) sa mga umaasa kay Jesus.”

Baka Bet Mo: Coco muling nakilahok Pista Ng Itim na Nazareno, isinabay na ang taping para sa ‘Batang Quiapo’

Narito ang inilabas na iskedyul ng Quiapo Church:

Mga aktibidad sa Quiapo Church

December 31, 2024 | Walk of Thanksgiving
12:00 midnight (assembly on the evening of December 30)

January 1 to 6, 2025 | Barangay Visitation
Basic Ecclesial Community – Quiapo District

January 2, 2025 | Thursday
1:30 p.m. – Nuestro Padre Jesus Nazareno Replica & Standarte Blessing

January 3, 2025 | 1st Friday of the Year
Schedule ng mga Misa
Umaga: 4:00, 5:00, 6:00, 7:00, 8:00, 9:00, 10:00, 11:00
Hapon: 12:15, 2:00, 3:00, 4:00, 5:00, 6:00, 7:00, 8:00

January 8, 2025 | Wednesday
Schedule ng mga Misa
Umaga: 5:00, 6:00, 7:00, 8:00, 9:00, 10:00, 12:15
Mga Misa ng piyesta sa hapon at gabi: 3:00, 4:00, 5:00, 6:00, 7:00, 8:00, 9:00, 10:00, 11:00

January 9, 2025 | Thursday
Schedule ng mga Misa
Umaga: 12:00 midnight, 1:00, 2:00, 3:00, 4:00, 5:00, 6:00, 7:00, 8:00, 9:00, 10:00, 11:00
Hapon: 12:00, 1:00, 2:00, 3:00, 4:00, 5:00
Gabi: 6:00, 7:00, 8:00, 9:00, 10:00, 11:00

Quirino Grandstand Activities

January 6, 2025 | Monday
6:00 p.m. – Misa para sa mga Volunteer

January 7 to 9, 2025 | Pahalik

January 8, 2025 | Wednesday
3:00 p.m. – Band Parade
5:00 p.m. – Panalangin sa Takipsilim (Vigil and Program)

January 9, 2025 | Thursday
12:00 midnight – Misa Mayor na pangungunahan ni H.E. Jose F. Cardinal Advincula Jr. (Archbishop of Manila)
1:00 a.m. – Continuation of Vigil and Program
Panalangin sa Bukang-liwayway

Read more...