
INQUIRER file photo
MAGKAKAALAMAN na kung aling pelikula ang mananaig sa box office at hahakot ng awards sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024!
ang “Gabi ng Parangal” ay ginanap nitong December 27 sa Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque City.
Kung matatandaan noong Oktubre, ibinandera ang napaka-eleganteng tropeyo na ipamimigay sa mga mananalo.
Gawa ito sa stainless statuette na may upper torso na may film reel at balot ng film strips na dinisenyo ng Filipino-American visual artist na si Jefre Manuel Figueras, mas kilala bilang si Jefre.
Para sa mga hindi aware, siya ang nasa likod ng mga iconic sculptures tulad ng 12-meter tall “Time” sa SM Megamall, “Bayani” sa DoubleDragon sa Pasay, at “The Victor” sa Bridgetown sa Pasig City.
Baka Bet Mo: Ogie inispluk ang nag-No. 1 sa opening day ng MMFF 2024, kaninong entry kaya?
Samantala, ano-ano nga ba ang sampung official entries sa MMFF na magpapasiklaban ngayong taon?
Sabay-sabay nating alamin ang mga kwento na kasalukuyang bumabandera sa big screen, pati na rin ang mga bituin na magdadala ng ningning sa Pasko!
Uninvited
Psychological thriller na pelikula na umiikot kay Eva Candelaria, isang ina na naghahanap ng hustisya para sa trahedyang sinapit ng kanyang anak.
Mga Bida: Vilma Santos, Nadine Lustre, Aga Muhlach
And the Breadwinner Is…
Comedy-drama tungkol kay Bambi Salvador, isang OFW sa Taiwan, na umuwi sa Pilipinas at nadiskubreng hindi maayos na ginamit ang kanyang mga padala ng kanyang pamilya.
Mga Bida: Vice Ganda, Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario, Maris Racal, Anthony Jennings
Green Bones
Suspense-drama na tungkol sa mga komplikadong relasyon at natatagong sikreto.
Mga Bida: Dennis Trillo, Ruru Madrid, Iza Calzado, Alessandra De Rossi, Royce Cabrera
Isang Himala
Isang musikal na inspirasyon mula sa klasikong pelikulang “Himala” na tumatalakay sa pananampalataya at mga himala.
Mga Bida: Aicelle Santos, Bituin Escalante
The Kingdom
Action-family drama na naka-set sa fictional story ng Kingdom of Kalayaan, isang bersyon ng Pilipinas na hindi nasakop.
Ang sentro nito ay si Lakan Makisig, ang hari ng Kalayaan, na nahaharap sa isang potensyal na krisis sa paghalili sa kanyang tatlong anak.
Mga Bida: Vic Sotto, Piolo Pascual, Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero
Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital
Horror film na umiikot sa grupo ng magkakaibigan na nakaranas ng kababalaghan sa isang haunted hospital sa Taiwan.
Mga Bida: Enrique Gil, Jane De Leon, Alexa Miro
Espantaho
Isa ring horror film na tungkol sa isang pamilya na kailangang harapin ang mga nakakakilabot na pangyayari sa kanilang ancestral home.
Mga Bida: Judy Ann Santos, Lorna Tolentino
Hold Me Close
Romance movie na tungkol sa dalawang taong magkaibang mundo na nagkakilala at bumuo ng espesyal na koneksyon.
Mga Bida: Carlo Aquino, Julia Barretto
My Future You
Isang romantic-comedy tungkol sa dalawang kabataang nakakonekta sa kanilang future selves sa kakaibang pagkakataon.
Mga Bida: Francine Diaz, Seth Fedelin
Topakk
Action-thriller na umiikot sa kwento ni Miguel, isang dating special forces operative, na sinusubukang iligtas ang isang babae mula sa kamay ng korap na pulis.
Mga Bida: Arjo Atayde, Julia Montes, Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos