#Pasko2024: Celebrities ibinandera ang taos-pusong Christmas greetings

#Pasko2024: Celebrities ibinandera ang taos-pusong Christmas greetings

Celebs’ Christmas greeting

NGAYONG ipinagdiriwang natin ang Pasko, ibinandera ng mga paborito nating artista ang kanilang espesyal na mensahe para sa fans.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi nila ang masasayang pagbati, taos-pusong pasasalamat, at hangarin para sa masaganang bagong taon.

Sharon Cuneta

“Merry Christmas from us Cuneta-Pangilinans to all of you!” caption sa post ni Megastar Sharon Cuneta na ibinabandera ang nakakatuwang family picture na terno sa kanilang pajama.

Mensahe pa niya, “May God bless us all today and always. We love you!!! [Christmas tree, hearts emojis].”

Andrea Brillantes

Si Andrea Brillantes, enjoy na enjoy ang kanyang holiday trip sa Prague.

Baka Bet Mo: Pinoy celebs na nag-celebrate ng ‘First Christmas’ bilang mag-asawa

Ipinakita pa niya ang ilang pictures niya habang kumakain sa kanyang hotel doon.

Caption niya, “More Euro trip photos coming after Christmas! Wishing you all a Merry Christmas and happy holidays! [Smiling face with heart, white heart, Christmas tree emojis].”

Jessy Mendiola, Luis Manzano

Very formal at elegant naman ang family picture ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano, kasama ang kanilang anak na si Isabella Rose.

“Happy holidays, from our family to yours! [Christmas tree, green heart emojis],” caption ni Jessy sa isang Instagram post.

Wika pa niya, “May this season fill your home with joy, abundance and love. Here’s to embracing the year ahead with hope, peace and gratitude. God bless everyone! [folded hands, red heart emojis].”

Kris Bernal

Gayundin ang ibinandera ng Kapuso actress na si Kris Bernal na kung saan ay twinning pa sila ng gown ng kanyang “mini me” na si Hailee.

Siyempre, kasama rin niya ang kanyang very supportive na non-showbiz husband na si Perry Choi.

Lahad ng aktres, “The gift of love. The gift of peace. The gift of happiness. May all these be yours this holiday season and throughout the coming year [Christmas tree, sparkle emojis].”

Pagbati niya sa publiko, “Merry Christmas from our family to yours! [heart hands emoji].”

Alodia Gosiengfiao

Ramdam na ramdam din ang masayang Pasko ni Alodia Gosiengfiao at non-showbiz husband na si Christopher Quimbo.

Naging extra special ito dahil ito ang first Christmas ng mag-asawa kasama ang kakasilang lang na first baby na si Cameron.

Very cute ang peg ng tatlo dahil lahat sila ay naka-Santa hat pa!

Pagmamalaki ni Alodia, ngumiti sa picture ang kanilang baby: “He smiled [holding back tears emoji] @cameronishi [smiling face with hearts emoji]  Merry Christmas from our family to yours [Christmas tree emoji],” saad niya sa IG post.

Marian Rivera, Dingdong Dantes

As always, hindi mawawala ang sweetness ng celebrity power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sa IG, makikita ang ilang sweet photos ng mag-asawa na very clingy sa isa’t-isa.

Mensahe sa post ni Marian, “Wrapped in love and holiday cheer with my favorite person by my side. Merry Christmas from us to you! [Christmas tree, red heart emojis].”

Pauleen Luna, Vic Sotto

Ang ganda rin ng kuha ng naging family photo nina Pauleen Luna at Vic Sotto with their two kids ngayong Pasko.

Kalakip na caption diyan ng aktres, “May we all remember the true meaning of this season, the birth our Lord Jesus Christ [folded hands emoji] Praying for a merry and blessed Christmas to all!”

Angeline Quinto

“Wishing you all the sweet and simple joys of the season. Merry Christmas, everyone [Christmas tree, heart hands emojis],” sey naman ng singer na si Angeline Quinto na ibinabandera ang family picture kasama ang mister na si Nonrev Daquina at dalawang anak.

Alex Gonzaga

Kumpleto rin ngayong Pasko ang Gonzaga family!

Makikita sa picture na ipinost ni Alex na bukod sa kanyang mister na si Mikee Morada ay kasama rin niyang mag-celebrate ang kanyang mga magulang, pati na rin ang kanyang kapatid na si Toni at asawa nito na si Paul Soriano at kanilang dalawang anak.

Saad niya sa IG, “Merry Christmas everyone!”

“Thank you Lord Jesus for blessing us with more than what we deserve! Family [red heart emojis],” aniya pa.

Read more...