Sunshine Cruz bumata, mas gumanda pa at sumeksi dahil kay Atong Ang

Sunshine Cruz bumata, mas gumanda pa at sumeksi dahil kay Atong Ang

FRESH na fresh ang awra ng aktres na si Sunshine Cruz, patunay na super happy siya ngayon sa piling ng kanyang bagong karelasyon na si Atong Ang.

Sandali naming nakasama at nakachikahan si Sunshine sa wake ng veteran entertainment columnist na si Tito Ed de Leon kagabi, December 21, sa St. Peter’s Chapels sa Quezon City.

Close ang aktres kay Tito Ed kaya isa siya sa mga unang-unang celebrity na dumalaw sa lamay nito para makiramay sa mga naulilang mga kapamilya.

In fairness, mas lalo pang bumata, gumanda at sumeksi si Shine ngayon! Sabi nga namin sa kanya, para rin siyang bampira na hindi tumatanda kahit nadadagdagan ang edad niya every year.

Nag-47 na ang aktres last July at three years na lang at Golden Girl na siya pero kapag nakita n’yo si Shine sa personal ay mukha lang siyang nasa 30s! Promise! Para siyang walang tatlong dalagang anak.

Baka Bet Mo: Cesar sa pag-amin ni Atong Ang na dyowa si Sunshine: ‘Saludo ako!’

Kitang-kita sa itsura at sa mga mata ng aktres na masayang-masaya siya sa karelasyon niya ngayong si Atong Ang na hindi na naman niya itinatago dahil kahit nasa public place ay naghahalikan sila nang bonggang-bongga.

Pero nang magparamdam kami sa kanya na nais naming kumustahin ang kanyang lovelife, napa-smile na lang si Shine at gets na namin ang ibig niyang sabihin. Ha-hahahaha!

Well, mas gusto muna sigurong gawing private ng aktres ang relationship nila ni Atong para less tsismis at intriga. Parang “what you see is what you get”  ang kanilang peg bilang magdyowa.

Pero in fairness uli, mas marami kaming nabasang positive na reaksyon sa relasyon nina Shine at Atong kesa sa mga hate and mean comments mula sa mga netizens.

Tulad ng ex-husband ni Sunshine na si Cesar Montano na nagpahayag ng suporta sa magdyowa.

“Saludo ako kay Atong for being man enough to admit his relationship with Shine,” sabi ni Buboy (palayaw ng action star).

Ito naman ang message niya sa magdyowa, “I sincerely wish that they will live happily ever after. They both deserve to be happy.

“When Shine is happy, that means our three daughters are happy, too. And as a father, my daughters’ happiness is mine as well,” dagdag pa ni Cesar.

Matatandaang nag-viral sa social media ang kissing video ng businessman at aktres na pinagpiyestahan ng maraming Marites.

Kasunod nito ay ang pagkumpirma ni Atong na totoong girlfriend na niya si Sunshine.

Taong 2013 nang maghiwalay sina Cesar at Sunshine at 2018 naman nang mapawalang-bisa ang kasal nila.

After nito ay nagkaroon siya ng six-year relationship sa politician na si Macky Mathay bago mag-break noong 2022.

Si Cesar naman ay very happy ngayon sa kanyang non-showbiz partner na si Kat Angeles.

Samantala, si Atong ay na-link din kay Gretchen Barretto na palagi niyang kasama noon sa pagsasabong. Pero walang naging kumpirmasyon o pagde-deny ang dalawa kung nagkaroon din ba sila ng relasyon.

Read more...