‘Superman’, ‘Karate Kid’, ‘Wolf Man’ bubuhayin sa taong 2025

‘Superman’, ‘Karate Kid’, ‘Wolf Man’ bubuhayin sa taong 2025

PHOTOS: Courtesy of Warner Bros. Pictures, Columbia Pictures, Universal Pictures

PATAPOS pa lang ang taong 2024, pero looking forward na ang marami sa mga bagong movie for next year!

Inilabas na kasi ang pasilip sa ilang pelikula na talagang aabangan ng moviegoers.

Kabilang na riyan ang pinakabagong “Superman” at “Karate Kid,” pati na rin ang reimagined classic monster na “Wolf Man.”

Superman

Inilabas na ang official teaser trailer para sa latest film na “Superman” o dating “Superman: Legacy.”

Ang bibida sa iconic hero ay ang American actor na si David Corenswet.

Baka Bet Mo: LIST: International films na panalong-panalo sa Holiday season

Ipinapakita sa pasilip ang fresh pero timeless take sa istorya ng binansagang “Man of Steel” na si Clark Kent.

Nakakasabik ang pelikula dahil bukod sa kanyang love interest na si Lois Lane na ginagampanan ng American actress na si Rachel Brosnahan ay tampok din ang alaga niyang superdog na si Krypto!

Siyempre, hindi rin mawawala ang ilang maaaksyong eksena na kung saan ibinandera rin ang ilang superheroes ng DC Universe, kabilang na sina Green Lantern (Nathan Fillion), Hawkgirl (Isabela Merced), Mister Terrific (Edi Gathegi), at Metamorpho (Anthony Carrigan).

Ang “Superman” ay mula sa direksyon ng DC Studios CEO na si James Gunn at nakatakdang ipalabas sa Philippine theaters sa July 9, 2025!

Karate Kid: Legends

Kung more action pa ang gusto ninyo, humanda na sa ultimate martial arts showdown dahil magkakaroon na rin ng “Karate Kid: Legends.”

Inilabas na ang first trailer nito na kung saan bibida sina Jackie Chan at Ralph Macchio bilang on-screen characters na sina “Mr. Han” at “Daniel LaRusso.”

Magsasanib-pwersa ang dalawang martial arts icons para sa iisang layunin –ang mag-train ng susunod na magiging “Karate Kid.”

Narito ang inilabas na synopsis ng Columbia Pictures:

“After a family tragedy, kung fu prodigy Li Fong (Ben Wang) is uprooted from his home in Beijing and forced to move to New York City with his mother. Li struggles to let go of his past as he tries to fit in with his new classmates, and although he doesn’t want to fight, trouble seems to find him everywhere. 

“When a new friend needs his help, Li enters a karate competition – but his skills alone aren’t enough. Li’s kung fu teacher Mr. Han (Jackie Chan) enlists original Karate Kid Daniel LaRusso (Ralph Macchio) for help, and Li learns a new way to fight, merging their two styles into one for the ultimate martial arts showdown.”

Wolf Man

Siyempre, hindi mawawala ang latest horror film ng Blumhouse –ang “Wolf Man” na isang reimagined classic monster na werewolf.

Base sa trailer, iikot ang kwento nito sa isang ama na bumisita sa kanyang childhood home kasama ang kanyang anak.

“Golden Globe nominee Christopher Abbott stars as Blake, a San Francisco husband and father, who inherits his remote childhood home in rural Oregon after his own father vanishes and is presumed dead. With his marriage to his high-powered wife, Charlotte (Emmy winner Julia Garner; Ozark, Inventing Anna), fraying, Blake persuades Charlotte to take a break from the city and visit the property with their young daughter, Ginger (Matlida Firth),” kwento ng Universal Pictures.

Dagdag pa, “But as the family approaches the farmhouse in the dead of night, they’re attacked by an unseen animal and, in a desperate escape, barricade themselves inside the home as the creature prowls the perimeter. As the night stretches on, however, Blake begins to behave strangely, transforming into something unrecognizable, and Charlotte will be forced to decide whether the terror within their house is more lethal than the danger without.”

Ilan pa sa mga tampok sa horror movie ay sina Sam Jaeger, Ben Prendergast, Benedict Hardie, Zac Chandler, Beatriz Romilly, at Milo Cawthorne.

Ang “Wolf Man” ay mapapanood na sa mga lokal na sinehan sa January 15, 2025.

Read more...