Hipag ni Yasmien binatikos ang CSA dahil sa pambu-‘bully’ sa aktres, pamangkin

Hipag ni Yasmien binatikos ang CSA dahil sa pambu-'bully' sa aktres, pamangkin

PHOTO: Instagram/@yasmine_kurdi

TILA nanggigil ang sister-in-law ni Yasmien Kurdi sa Colegio San Agustin (CSA) dahil sa umano’y “pambu-bully” sa aktres matapos ireklamo ang pang-aapi ng ilang estudyante sa kanyang anak na si Ayesha.

Hindi na namin makita ang naturang Facebook posts ni Jens Soldevilla, pero naibandera ng INQUIRER.net Entertainment ang screenshots nito sa kanilang artikulo.

Mababasa sa posts ang naging reaksyon ni Jens matapos maglabas ng statement ang CSA kung saan hiniling nito kay Yasmien na makipagtulungan sa paaralan at umiwas sa pagpapalaki ng isyu sa publiko.

Pagbabatikos ni Jens, mas pinoprotektahan umano raw nito ang kanilang reputasyon, pati mga bully kaysa sa kanyang “traumatized” na pamangkin.

“My niece is now traumatized and does not want to go to school anymore. You call ‘ganged up’ and ‘targeted’ NOT bullying??? Why are you protecting the unmentioned names of these bullies and your school’s reputation? Because they deserve rEsPeCt too?” sey niya sa caption.

Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi nakipagkita kay DepEd Sec. Sonny Angara dahil sa pambubully sa anak

Dagdag niya, “Now I understand why my sister-in-law needed to post this publicly. Clearly because this school only cares about their name and not about the victim’s mental damages.”

Patuloy ni Jens, “Also this statement is now ‘targeting’ and ‘bullying’ my sister-in-law who just wants to get justice from the incident that happened to my niece. Pure enablers and victim blamers.”

Kasunod niyan, hinimok ng sister-in-law ang Department of Education (DepEd) na aksyunan ang isyu at pinaalalahanan ang mga magulang na pag-isipan nang maraming beses bago i-enroll ang kanilang mga anak sa nasabing paaralan.

PHOTO: Screengrab from INQUIRER.net/Jens Soldevilla

Sa isang follow-up post, muling pinaalala ni Jens na huwag ipa-enroll ang mga anak sa paaralan habang ibinabahagi ang link ng website ng CSA.

“Good morning, people! Paalala ‘wag mag enroll dito at paalisin niyo na mga anak, pamangkin, kapatid o kahit sinong kakilala niyo na nag-aaral o gusto mag-aral dito. Tandaan, pro-bully sila,” aniya.

PHOTO: Screengrab from INQUIRER.net/Jens Soldevilla

Wala pang inilalabas na bagong pahayag ang CSA tungkol dito, pero kamakailan lang ay mariin nitong pinabulaanan na may naganap na bullying sa anak ni Yasmien sa pamamagitan ng kanilang official statement.

Ang nangyari raw ay isa lang insidente ng diskusyon sa mga estudyante tungkol sa preparasyon sa Christmas party.

Maaalalang sinabi ng Kapuso star na pinagkaisahan umano ng ilang kapwa-estudyante si Ayesha dahil hindi raw ito nag-reply sa usapan tungkol sa kanilang school Christmas party habang nasa bakasyon sila.

“Surrounded by 7-9 students, Ayesha was blocked from leaving the classroom and was denied her food and recess! In other words she was ganged up on,” kwento ng celebrity mom.

Noong Huwebes, December 19, nakipagkita si Yasmien kay Department of Education Secretary Sonny Angara para pag-usapan ang tungkol sa isyu ng nararanasang bullying ng anak sa paaralan.

Read more...