GOOD news para sa mga commuter, lalo na ‘yung mga pasahero ng tren!
May maagang pamasko para sa inyo si Pangulong Bongbong Marcos at ‘yan ay ang pagbibigay ng “free rides” ngayong araw, December 20, sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
Yes, yes, yes mga ka-BANDERA, tama ang nabasa ninyo…may libreng sakay today para sa lahat ng sasakay ng tren sa buong araw hanggang sa closing nito.
“Tinatayang aabot sa 1.1 milyong pasahero ang sasakay sa mga linyang ito — ang pinakamataas na ridership na naitala ngayong taon,” sey ni Pangulong Bongbong sa isang Facebook post.
Baka Bet Mo: JK may ‘galit’ pa rin sa maagang pagpanaw ng ina: It’s always unfair
Paliwanag niya, “Ang inisyatibong ito ay isang simpleng paraan upang maibsan ang gastos ng ating mga kababayang abala sa paghahanda para sa Pasko.”
“Nawa’y magdulot ito ng ginhawa at maramdaman ng lahat ang malasakit ng pamahalaan ngayong kapaskuhan,” aniya pa.
Ang mga libreng sakay sa tren ay inalok upang matugunan ang inaasahang pagdami ng mga pasahero sa huling Biyernes bago ang araw ng Pasko.
Ayon sa ulat ng INQUIRER.net, sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na ang Office of the President (OP) ang sasagot sa magiging gastusin sa nasabing inisyatibo.
“Ibig sabihin, kung magkano ang dapat revenue ng LRMC sa Line 1, LRTA sa Line 2 at DOTr sa MRT3 sa araw na ito ay babayaran sa kanila ng OP,” sambit niya mga reporter sa isang Viber message.