Hula ni Rudy Baldwin: Sunud-sunod na lindol sa Bulacan pagsapit ng 2025

Hula ni Rudy Baldwin: Sunud-sunod na lindol sa Bulacan pagsapit ng 2025

Rudy Baldwin

NAGBIGAY ng warning ang sikat na fortune teller na si Rudy Baldwin sa lahat ng mga taga-Bulcana sa mga maaaring maganap na sakuna sa 2025.

Ibinahagi ni Rudy ang kanyang naging pangitain na mangyayari umano sa probinsya ng Bulacan pagpasok ng Bagong Taon.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nag-post si Rudy nitong December 17, ng mahalagang mensahe kung saan binalaan at pinaghahanda niya ang mga Bulakenyo dahil sa dami ng lindol na mararanasan nila sa susunod na taon.

“MAGING HANDA LAMANG MGA TAGA BULACAN LALO NA SA TAONG 2025 DAHIL MARAMI TAYONG LINDOL NA MARARANASAN AT MARAMING BAHAY O GUSALI MAN ANG GUGUHO NG DAHIL SA LINDOL,” simulang warning ni Rudy.

Baka Bet Mo: Rudy Baldwin may ‘matinding’ babala para sa taong 2027, ano kaya ito?

“NGUNIT ME ISANG PANGYAYARI NA WALANG KINALAMAN SA LINDOL O BAGYO PA  ISANG PANGYAYARI NA BIGLA NALANG BIBITAK ANG LUPA O KALSADA AT MAGKAROON NG PAGGUHO NG LUPA O SINKHOLE SA IBAT IBANG LUGAR NG BULACAN,” dagdag pa niya.

Bukod pa rito, may dalawang sunog din siyang nakikita na magaganap sa Bulacan ngunit wala naman siyang nabanggit na eksaktong lugar kung mangyayari ang mga pagliyab.


May iniwan din siyang babala sa mga magulang dahil may pangitain siya ng mga kaso ng panghahalay na mauuwi sa kamatayan ng mga biktima sa pagitan ng Pasko at Bagong Taon.

Nauna rito, nabanggit din ni Rudy Baldwin sa isang interview nito lamang nagdaang buwan na meron siyang pangitaing matinding hamon na naman sa Pilipinas sa darating na 2025.

“Hindi ko siya ma-compare sa virus. I don’t know what to call it yet. Isa siyang hangin na may dalang bacteria. It so bad kasi ‘di ba du’n sa monkey pox, ito iba ‘to,” sabi pa ni Rudy.

Read more...