Chelsea Manalo nais bang pasukin ang mundo ng showbiz?

Chelsea Manalo nais bang pasukin ang mundo ng showbiz?

PHOTO: Instagram/@manalochelsea

MATAPOS tanghaling kauna-unahang Miss Universe Asia, ibinunyag ni Chelsea Manalo na maraming pintuan ang nagbukas para sa kanya.

Para sa mga hindi aware, si Chelsea ay matagal nang professional model mula pa noong kabataan at ngayon ay bukas siya sa posibilidad na karera sa labas ng fashion industry.

“Maraming pumapasok na opportunities like showbiz, hosting, modeling international, theater, singer, so marami,” sey niya sa isang eksklusibong interview ng INQUIRER.net matapos ang kanyang homecoming press conference na inorganisa ng Bingo Plus sa Empire Studio sa Pasig City noong December 14.

Gayunpaman, ipinahayag ni Chelsea na gusto rin niyang ipagpatuloy ang pagtatrabaho kasama ang Miss Universe Philippines organization (MUPH) para sa kanyang adbokasiya na, “close to my heart, which are the youth.”

Baka Bat Mo: Michelle, Celeste, MJ kay Chelsea Manalo: ‘You made us all proud!’

Bilang kauna-unahang black woman na kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe, malaking karangalan umano ang kanyang bagong international title.

“It is dream come true [that] I will forever treasure,” sambit niya.

Dagdag pa ng beauty queen, “It goes not just to me, but I am extending this beyond, to each and every Filipino and women.”

Buong puso rin niyang pinasalamatan ang lahat ng sumuporta sa kanyang journey sa Miss Universe pageant na nagdala ng malaking pagbabago sa kanyang pagkatao.

“I think I have already become that woman that has brought that power and influence for so many women. You can dream much more than just Miss Universe,” saad niya.

Nang tanungin kung paano naiiba ang Chelsea Manalo ngayon mula sa babaeng sumakay ng eroplano papuntang Mexico upang ilaban ang Pilipinas sa international pageant.

Ang sagot niya, “She is strong-willed, more powerful. She already knows how to navigate challenges in her life. Now she is becoming a person who has so much influence and opportunity that she can extend too.”

Naniniwala rin si Chelsea na ang kanyang titulong Miss Universe Asia ay magdadala sa kanya ng mas malawak pang ventures sa labas ng pageantry.

“It will reinvent me as a better person. I hope it takes me to a greater and more beautiful person, and take me to more opportunities,” aniya.

Umaasa ang Bulakenya queen na ang susunod sa kanyang trono sa MUPH ay magiging isang babae na “who is very powerful, strong, with a heart, and with the dignity and heart of a Filipino woman.”

Read more...