BINAGYO ng blessings at maraming swerte si Julia Barretto ngayong 2024 kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya kay Lord.
In fairness, taon talaga ni Julia ang 2024 dahil sa dami ng mga projects na nagawa niya — from movies to endorsementa — talagang hataw kung hataw ang kanyang career.
Sinimulan ito ng pelikula nila ni Aga Muhlach na “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” noong February under Viva Films at sinundan nga ng isa pang proyekto last April na ipinalabas sa Viu, ang “Secret Ingredient.”
Nakasama niya rito sina South Korean actor Lee Sang Heon at Indonesian superstar Nicholas Saputra na nagwagi ng prestihiyosong Silver Dolphin trophy para sa Branded Content Global Videos at Black Dolphin trophy para sa Best Cast/On-Camera Talent sa Cannes Corporate Media & TV Awards 2024.
Nagwagi rin ang mini series sa Asian Academy Creative Awards 2024, kung saan itinanghal itong National Winner para sa Best Branded Programme at Best Original Production by a Streamer (Fiction) sa Pilipinas.
Nitong nagdaang August naman ay ipinalabas ang reunion movie nila ni Joshua Garcia, ang “Un/happy For You” na tumabo nang bonggang-bongga sa takilya.
Kumita ito ng humigit-kumulang P450 million worldwid na itinuturing na pinakamatagumpay na proyekto ng tambalang JoshLia.
Bukod nga riyan ay parami rin nang parami ang endorsements at TV commercial ni Julia na isang patunay na talagang pinagkakatiwalaan siya ng malalaking kumpanya.
At para tapusin ang 2024 with a big bang, lalaban si Julia sa Metro Manila Film Festival 2024 para sa pelikulang “Hold Me Close” kasama si Carlo Aquino directed by Jason Paul Laxamana.
“I keep saying this because I mean it. Sobra akong nagpapasalamat sa grace na ipinakita talaga ng Diyos sa akin this year and the blessings. It really makes the entire journey worth it,” sey ni Julia sa solo presscon niya para sa “Hold Me Close” mula sa Viva Films kung saan present din ang kanyang mga fans.
Sa tanong naman kung nakakaramdam ba siya ng pressure sa matitinding kalaban nila sa 50th edition ng MMFF, “It’s a kind of pressure na tsina-channel mo as a motivation to really study what you have to do and be at your best shape and be in your best mental state.
“It’s a pressure that’s good. It motivates you more. It’s not a bad thing. It’s a good kind of pressure na parang ‘you gotta work girl,’” chika ng girlfriend ni Gerald Anderson.
Masaya ring ibinalita ni Julia na PG o Parental Guidance ang classification na ibinigay ng MTRCB sa MMFF 2024 entry nila kaya pwedeng-pwede itong panoorin ng buong pamilya.
“We’re PG, if I am not mistaken. The whole family can watch it and enjoy the movie. I’ve already seen the film. Kasi sa premiere night, mas gusto ko kalma na ako.
“So I have seen the film. It really gave me a different kind of feeling.
“I think that is the magic of Direk Jason Paul Laxamana. He’s just able to take you to a universe that he has really created.
“I am just so grateful to be a part of the story and the vision. I think you will understand what I mean when you see the film,” aniya pa.
Ang kabuuan ng “Hold Me Close” ay kinunan sa Japan at mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa December 25.