Sofronio Vasquez 10 years naghintay bago nagtagumpay: Wag titigilan!

Sofronio Vasquez 10 years naghintay bago nagtagumpay: Wag titigilan!

Sofronio Vasquez at Michael Bublé

HANGGANG ngayon ay trending at viral pa rin si Sofronio Vasquez sa social media matapos magwaging grand champion sa “The Voice USA” Season 26.

Gumawa ng kasaysayan ang Filipino singer bilang kauna-unahang Asian na nanalo sa naturang reality singing competition sa Amerika mula sa team ng international singer-songwriter na si Michael Bublé.

Bago itinanghal na grand winner sa “The Voice” ay naging contestant at finalist muna si Sofronio sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” kaya naman proud na proud sa kanya ang buong production ng programa.

Baka Bet Mo: Showtime binati si Sofronio Vasquez sa The Voice: Pangmalakasan ang Pinoy

Sa nakaraang episode ng Kapamilya noontime show ay nakachikahan ng mga host si Sofronio nang live via video call at tuwang-tuwa ang singer dahil muli niyang nakita at nakausap ang “It’s Showtime” family.

Sa isang bahagi ng panayam ay nagbigay pa ng payo si Sofronio sa lahat ng mga aspiring Pinoy singer na nais ding gumawa ng sariling pangalan sa music industry.


“Siguro ang pinakamagandang advice na maibibigay ko, kahit ilang beses kang na-reject, hindi talaga siya nagpapatunay na wala ka nang chance.

“Sino ba naman kasi ang mag-iisip na ako, Bisaya, galing sa Mindanao, trying to just be someone in music and lahat ng auditions sinubukan ko pero 10 years after, naibigay sa akin. So hindi mo lang talaga titigilan,” bahagi ng advice ni Sofronio.

Ito naman ang message niya sa lahat ng mga nagmamahal, nagtitiwala at patuloy na sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

“Sa kanila pong lahat, maraming, maraming salamat po dahil pinatunayan po natin na kahit dito sa Amerika po ay hindi pwedeng talunin ‘yung lakas, sipag, at pananampalataya ng isang Pilipino kasi talaga kahit saan namamayagpag po tayo,” aniya pa.

Paulit-ulit ding binanggit ng New York-based Filipino singer na super proud siyang sinasabi lagi na sa “Tawag ng Tanghalan” siya nagsimula kung saan umabot siya bilang semifinalist.

“Proud po ako na nagsimula ako sa Tawag ng Tanghalan kasi Tawag ng Tanghalan at It’s Showtime ‘yung unang naniwala sa akin,” sey ni Sofronio.

Read more...