Si Kristine Hermosa ba ang ‘Pinay Dyosa’ na niligawan ni Michael Bublé?

Si Kristine Hermosa ba ang 'Pinay Dyosa' na niligawan ni Michael Bublé?

Sofronio Vasquez, Kristiner Hermosa at Michael Bublé?

KANYA-KANYANG hula ang mga netizens kung sinong Pinay actress ang niligawan ng Canadian singer-songwriter na si Michael Bublé.

Naging hot topic ito sa social media matapos ibuking ni Sofronio Vasquez ang kanyang coach sa “The Voice USA” Season 26 tungkol sa “dyosang” niligawan daw nito noon.

Ang hula ng marami, ang tinutukoy ni Sofronio ay ang aktres na si Kristine Hermosa, na asawa na ngayon ng actor-businessman na si Oyo Sotto.

Si Sofronio ang nagwaging grand winner sa katatapos lang na “The Voice” sa Amerika. Siya ang kauna-unahang Asian na nanalo sa naturang international reality singing competition.

Sa panayam ng “It’s Showtime” kay Sofronio, sa pamamagitan ng video call, binati ng mga host ng programa ang Pinoy singer sa pagkapanalo nito na produkto rin ng “Tawag ng Tanghalan.”

Baka Bet Mo: Kaye Abad dinenay nina Paolo at Patrick: Ang sasama ng mga ugali, ‘di ba?

Sabi ni Sofronio, malaking bahagi ng singing career niya ang “TNT” kung saan tatlong beses siyang sumali pero hindi siya nanalo. Dito raw siya nahubog nang husto bilang performer.

Kuwento niya tungkol sa naging audition niya sa “The Voice,” “Nagsimula po ako sa blind audition trying to represent myself and, of course, sinubukan ko lang pong i-represent yung Utaca, New York.


“Pero mapalad po ako kasi yung mga producer ng show, sila yung nag-suggest na mas maganda raw po siguro kung i-represent ko yung Philippines, kasi hindi pa sila nagkaroon ng Filipino-blooded and full-born and raise.

“So, tinuloy ko po yon, and dahan-dahan po naming pinaghirapan yon,” aniya.

Aniya, nagpapasalamat siya sa napili niyang coach na si Michael Bublé dahil bukod sa paggabay sa kanya sa content ay nagkakasundo rin sila sa maraming bagay, kabilang na ang pagmamahal nila sa Pilipinas.

Walang dugong Pinoy si Michael pero hinding-hindi raw nito makakalimutan ang Pilipinas dahil may mga naging kaibigan na siya rito bukod sa may naka-date ngang Pinay.

Chika ni Sofronio, “Masaya po ako na, along the way, sincere at totoong pagmamahal yung galing kay Michael Bublè para sa Pilipinas.

“Shinare po niya na mayroon po siyang deep connection sa Pilipinas kasi kumpare niya raw po si Martin Nievera, at mayroon daw po siyang naka-date na kilala nating lahat na dyosa sa atin,” aniya pa.

Kasunod nito, marami ang nanghula kung sino nga ba ang dyosang niligawan ng Canadian singer at halos lahat ay nagbanggit sa pangalan ni Kristine Hermosa.

Sabi ng isang netizen, “Parang nabalita na yun dati, haha nakilala ni Michael si Kristine after ng concert nya dito.”

Komento ng isa pa, “Sofronio Vasquez blind item.  So true pla na dinate ni Michael Bublé si Kristine Hermosa? Sya lang naman ang isa sa mga Dyosa dati.”


Ayon naman sa isang Reddit user, “Nabasa ko ang chismis na yan many years ago from Ricky Lo’s column. Nagdate daw si Michael and Kristine pero di nagkatuluyan. I think either nagbalikan sila ni echo or naging sila ni diet.”

Matatandaang sa isang interview, sinabi ni Michael na friends lang sila ni Kristine, “What do I have to say about her? I’m a friend and a fan, but there was never a romance.

“There was never a sexual romance, I can promise you, as much as I probably would’ve loved that, or any boy would, for that matter. I think she’s a class act.

“It’s hard, you know, because she’s a celebrity there and people have their own ideas about her and this or that, but she was never anything but kind, and sweet and classy, and whoever ends up with her is gonna be a very lucky boy,” sabi ng international singer-songwriter.

Read more...