Sunshine Cruz, Atong Ang viral na sa kissing video, magdyowa na nga ba?

Sunshine Cruz, Atong Ang viral na sa kissing video, magdyowa na nga ba?

TRUE kaya ang naglalabasang chika na may relasyon na ang aktres na si Sunshine Cruz sa negosyanteng si Mr. Atong Ang?

Viral na kasi ang kissing video ng dalawa sa TikTok na uploaded sa account ni @alam_mobat kung saan makikitang lumapit ang aktres kay Ginoong Atong para halikan ito.

Umabot na sa 1,005 shares, 23,000 engagements, 495 comments, 1,204 repost at 1.3 million views ang nakuha ng naturang TikTok post.

Baka Bet Mo: Sunshine Cruz, Ina Raymundo payag bang i-share ang dyowa sa iba?

May video rin na ang negosyante naman ang lumapit kay Sunshine, na posibleng nangyari sa ibang araw dahil magkaiba ang suot nilang mga damit.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring official statement mula sa kampo ng dalawa pero dahil sa kissing video na kalat na ngayon sa socmed ay hindi na nila maikakaila ang kung anumang namamagitan sa kanila.

Nangyari ang kissing video sa isang basketball court kung saan parehong naroon sina Sunshine at Ginoong Atong kaya tiyak na marami ang nakasaksi sa umano’y paghahalikan ng dalawa.

Narito ang ilang komento ng netizens sa naturang video.

“Kaya pala nagagalit si Gretchen (Barretto) kay Sunshine.”

“Panalo ka kay Atong.”

“Parang nanalo si Sunshine Cruz ng Derby ng buong taon.”

“Ikaw na maging si Atong Ang.”

“Sunod niyan c Sunshine na magbibitaw ng mga manok n Atong Ang.”

“Single naman si Sunshine.”

“Sunshine-easy money Atong Ang-easy honey.”

“Naalala ko tuloy ang movie na Etiquette of Mistress ba yun.”

“Siguro matagal na may crush si Atong kay Sunshine maganda talaga sya sexy at maputi saka ok lang yan sana sila nalang.”

“Matagal n gusto ni Atong Ang c Sunshine Cruz kaya nga lng may Cezar n c Sunshine.”

“Naku yayaman na rin si Sunshine magkakaroon na rin si Sunshine ng malalaking Perlas Penge isang butil lang Shine.”

“Lagi ko sila nakikita sa event, maalaga si Sunshine kay Atong vice versa. happy for them.”

Bukas ang BANDERA sa panig nina Sunshine at Atong tungkol sa kanilang viral kissing video.

Read more...