Netizen nawalan ng P800k savings, nalulong sa sugal

Netizen nawalan ng P800k savings, nalulong sa sugal

NAGSISISI ngayon ang 26-anyos na lalaking netizen matapos malagas ang kanyang ipon matapos malulong sa sugal.

Sa Reddit, isang online community, ibinahagi ng lalaki ang kuwento kung paano unti-unting nawala ang kanyang pinaghirapan na dalawang taon niyang inipon.

Lahad ng netizen, nanalo siya noon ng P1.8-M at iba ibang klase ng laro ang kanyang ginawa.

Pinlano pa sana niya na ipambili ito ng sasakyan kaya itinabi niya sa bangko pero kalaunan ay nagamit rin niya sa pagtaya.

Baka Bet Mo: Babaeng kukuha ng CENOMAR, marriage certificate ang natanggap

Kuwento pa ng netizen, “Dumating yung oras na tumaya ako ng ₱20K sa baccarat, Talo dinoble ko. ₱40K. Talo ulit. Triniple ko. ₱120K? TALO NANAMAN.

Nanlamig ako na parang masusuka. Sabi ko sa sarili ko. TALO LANG NAMAN YAN mababawi ko din.”

Natapos nito ay nanalo pa siya ng P200k ngunit natalo rin kinabukasan ng P350k.

“Sabi ko next week babawi ako dahil may pasok sa trabaho. This cycle happened. There was a time na 200 lang ang puhunan ko napaabot ko ng ₱230K. YES. ₱230K SA 200 PESOS,” chika pa ng netizen.

Hanggang sa unti-unti na itong naubos at nagkaroon pa siya ng utang.

“Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napaupo na lang ako sa sahig. Tumingin sa kisame. Ubos na lahat ng savings ko… May utang pa akong ₱20K. Wala akong napag gamitan ng ₱1.8 Million. Even my ₱800K savings are now gone,” pagsisisi ng netizen.

Dito ay ikinumpara niya ang sarili sa ama niyang sugarol.

“I’m living frugally for the last 2 years just to see my money evaporate. Wala akong pinagkaiba sa tatay kong sabungero.

“I did not break the cycle I created one for myself. Napakabasura ko. THE CURSE OF WINNING. I HAVE NO ONE TO BLAME BUT MYSELF,” sey pa ng netizen.

Marami naman ang nag-react sa naturang post at tila naka-relate sa nangyari sa lalaki. Ang ilan pa ay nagbigay ng payo sa kanya.

“Di pa huli na magbago, mababawi mo rin yang buhay mo alam mo na gagawin mo. Unahin mo na stop chasing the thrill. Maghanap ka ng ibang source ng excitement at dopamine kase yan ang sisira ng buhay mo, yang instant gratification,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “It’s a cycle and ung feeling kasi ng nananalo nakaka hype na feel mo kaya mo uli manalo sa susunod, pero pag natalo naman you will get ung gigil na gusto mo bumawi hanggang wala ka na pera.”

“The good thing narealize mo agad ito! you are aware of the problem so you’ll know what you have to stop doing.you managed to save 800k before, maiipon mo din ulit yun as long as you stop gambling na.”

Read more...