ANG bilis ng panahon dahil biruin niyo, isang taon nang kasal si Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj at ang kanyang non-showbiz husband na si North Orillan.
Sa Instagram, ibinandera ng beauty queen ang ilang throwback photos ng kanyang wedding kasabay ng kanilang 1st anniversary.
Kalakip niyan ang kanyang realizations at mensahe para sa kanyang mister.
“In the many lessons that God is teaching us and is allowing us to experience, one thing really stood out – I genuinely feel that we are one, that we are in one team, and that you always put my wellbeing first,” caption niya sa post.
Baka Bet Mo: Venus Raj ibinandera ang Top 3 ‘bucket list’ para sa kanyang married life
Inamin din niya na siya ay naluluha habang nagpo-post, “Because God knows that this is exactly how I wanted to be loved.”
“You are doing well My Love in being a husband, a friend, and a leader to me,” sey niya kay North.
Aniya pa, “I respect you with all of my life [holding back tears, red heart emojis]. Happy Anniversary Love.”
Magugunita noong December 12 nang ikinasal ang couple na naganap sa Christ’s Commission Fellowship (CCF) Center sa Pasig City.
Matatandaan din sa special episode ng “Major Major Podcast with Venus Raj,” ibinunyag ng couple na taong 2018 sila naging magkakilala bilang acquaintances sa simbahan.
Noong 2022 naman nang muli silang nagkita at doon na nagsimula ang kanilang pag-iibigan hanggang sa naging mag-dyowa na sila sa parehong taon.
Sila’y na-engage noong July 2023 hanggang sa ikinasal na nga.
Ayon kay North, isa sa mga nagustuhan niya kay Venus ay ang pagiging independent.
Aminado rin siya na naging challenging ito sa kanya noong una bilang partner at mister ng beauty queen.