Diwata inokray, nagmukhang ‘tikbalang’ sa Christmas costume

Diwata inokray, nagmukhang 'tikbalang' sa Christmas costume

KALIWA’T kanan ang inabot na pang-ookray ng social media personality at negosyanteng si Diwata o si Deo Balbuena sa totoong buhay dahil sa kanyang Christmas costume.

Ibinandera kasi nito sa kanyang social media accounts ang reindeer costume niya nang mag-judge siya sa usang gay beauty pageant.

“Ready na ngayon gabi para i judge ang mga kabaklaan!” caption ni Diwata sa kanyang post.

Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang naturang outfit ng social media personality.

Baka Bet Mo: Diwata wapakels sa nanlalait sa pagtakbo niya sa 2025: Tuloy ang laban!

“kelan pa naging reindeer ni Sta. Claus ang tikbalang. Peace,” sey ng isang netizen kay Diwata.

Comment naman ng isa, “Parang kalaban to ng angelic makeup look haha cute.”

“Nalito ako..Reindeer ba ito o kabayo?” hirit naman ng isa kay Diwata.

Banat naman ng isa, “Ngpabuyag na nman grabe tawa ko sa mga comment sakit ng tyan ko habang ngkakape tikbalang daw oh my goodness.”

Kahit na marami ang nang-asar kay Diwata ay may mga netizens rin na ipinagtanggol siya sa bashers.

Chika ng mga ito, dapat raw ay huwag laitin ang personalidad lalo na’t marami itong natutulungan.

“Bakit ba galit na galit kau kay diwata ano ba kasalanan nia sa inyo. Siguro wala kayong pera sa pasko no. Kaya galit na galit kayo sa kanya kasi marami xang pera.. Pag inggit kasi. Pikit,” sabi ng isang netizen.

“Nobody’s perfect tlga, minsan khit nsa atin na ang lhat, d nawawala ang word na kaya lang…… Bsta maging mbuti lng tayo sa ating kapwa tao, d man kaayusan ang ating kaanyuan pipiliin pa rin nila tayo igalang…. God bless po at merry x mas poh,” chika naman ng isa.

Read more...