Sam Mangubat dinipensahan ang ‘It’s Showtime’, hindi credit grabber

Sam Mangubat dinipensahan ang 'It's Showtime', hindi credit grabber

HINDI maintindihan ng singer na si Sam Mangubat kung saan nanggagaling ang galit at pambabatikos ng netizens sa “It’s Showtime” matapos ang pagkapanalo ni Sofronio Vasquez III sa “The Voice”.

Nainit na ngang pinag-uusapan ang binata matapos nitong gulatin ang publiko sa kanyang pagkapanalo sa “The Voice USA”.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ni Sam ang kanyang frustration sa mga bumabatikos sa mga singing competitions na sinalihan ni Sofronio bago ang pagkapanalo nito sa ibang bansa.

Baka Bet Mo:

Saad ni Sam, “Hindi ko magets bakit binabatikos yung mga show na pinanggalingan. Tapos na yon e. Baka di niyo alam, may text votes na factor din ang show.

“Magaling na siya noon, yes. Pero kita naman sa performances niya na mas seasoned na siya this time.”

Bandera IG

Para sa mga hindi aware, lumaban rin si Sofronio sa “Tawag Ng Tanghalan”, isang segment sa “It’s Showtime”.

“At malamang, proud sa kaniya ang lahat, maging ang It’s Showtime dahil isa to sa kinabilangan niyang show. At Ngayon, oras niya na!!” sey pa ni Sam.

Naniniwala rin ang singer na ito ang perfect timing para kay Sofronio at nakamit niya ito sa “The Voice USA”.

Hiling pa ni Sam, sana raw ay imbes na maging nega ay maging happy na lang para sa tagumpay ng kababayan

Aniya, “Magdiwang na lang po sana tayo ng hindi kailangan haluan ng kahit anong nega.”

Matatandaang binati ng “It’s Showtime” hosts si Sofronio matapos ang kanyang pagkakapanalo at sinabing inspirasyon ang singer para sa iba pang nangangarap na magtagumpay gamit ang talento sa pagkanta.

Read more...