#Pasko2024: Tradisyon, Noche Buena, gift-giving ng mga sikat

Pero naku-curious ba kayo kung paano kaya ipinagdiriwang ng mga artista ang kanilang Pasko sa kabila ng busy nilang schedule?

Cristine Reyes, Claudine Barretto, Enchong Dee, Iza Calzado, Dennis Trillo

HINDI kumpleto ang Pasko kung walang tawanan, kwentuhan, at siyempre, kainan!

Pero naku-curious ba kayo kung paano kaya ipinagdiriwang ng mga artista ang kanilang Pasko sa kabila ng busy nilang schedule?

Naitanong ‘yan ng BANDERA sa ilang sikat na celebrities at personalidad, kaya sabay-sabay nating tuklasin ang kanilang masasayang tradisyon, nakakaaliw na exchange gift stories, at mga paboritong putahe sa Noche Buena!

Claudine Barretto

Ayon kay Claudine Barretto, tuwing December 24 sila nagtitipon magpamilya na kung saan kadalasan ay sama-sama silang nagdi-dinner at nagpupunta ng simbahan upang magmisa o kaya ay mag-service.

Baka Bet Mo: 4 ‘M’ kontra ’12 Scam of Christmas’: Huwag magpabudol sa mga sindikato

Isa pa sa tradisyon nila every year ay, “Pareho ‘yung menu namin na niluluto ng mom ko, then 12 midnight opening of gifts.”

Pagbubunyag pa niya, “Usually pag Christmas, ako ‘yung sa pasta –tuna fettuccine, every Christmas ‘yun.”

JC Santos

Inamin ni JC Santos na wala siyang kinalakihang Christmas tradition, pero ngayon daw ay may inuumpisahan siya na nais niyang gawin taon-taon.

“I still believe in Noche Buena tradition. Gusto ko magkakasama kami, kumpletong kumakain at nagka-catch up sa isang table,” sagot niya sa tanong ng BANDERA.

Chinika niya rin na pareho sila ng kanyang asawa ang nagluluto tuwing Noche Buena.

“I’m from Pampanga, so laging bongga,” pagmamalaki niya.

Ang the best daw na niluluto niya ay Kare-Kare, pero siyempre, mas magaling at mas masarap pa rin daw ‘yung luto ng kanyang misis na si Shyleena Herrera.

Cristine Reyes

Si Cristine Reyes din daw ay walang specific tradition tuwing Pasko dahil simple lang ang salo-salo nilang buong pamilya.

Pero kwento niya, “Usually, [nagpupunta] kami sa Baguio kahit ‘nung mga bata pa kami, pero hindi naman siya traditional na every Christmas.”

Hindi rin daw uso sa kanila ang exchange gifts, pero nakagawian na nilang magregalo sa isa’t-isa.

Pagdating naman sa mga hinahanda nila tuwing Noche Buena, “‘Yung usual [na] mga ham, queso de bola, mga usual paboritong mga Pinoy dishes tapos ‘yung mga matatamis, salad, mga ganyan.”

Bituin Escalante

Hindi naman mawawala ang Noche Buena sa pamilya ni Bituin Escalante, lalo na’t kasabay raw kasi nito ang wedding anniversary ng kanyang lolo at lola.

“We continue the tradition [kahit] wala na sila…tsaka hindi mawawala ang kanta. Palaging may ganyan,” saad niya.

Nang tanungin kung may mga exchange gifts sila, “Gusto ko na nga kasi ‘di ba kapag exchange gift, makakatipid. Pero hindi ko ma-help na kapag nagsho-shopping ka dahil mahal mo lahat.”

Ayon pa sa batikang singer, potluck daw sila tuwing Noche Buena at wala namang tradisyon kung anong klaseng mga pagkain. 

Basta raw kung ano ang makahiligan o trip na kainin sa nasabing okasyon.

“Ako, [ang dinadala ko] ay Callos, ang mga [beef] innards, ang mga tuwalya, ang mga pang-gout,” pagbabahagi niya.

Marco Gumabao

Chinika naman ni Marco Gumabao kung ano ang hatian sa kanilang pamilya upang maipagdiriwang ang Pasko.

“Noche Buena usually is with the Gumabao family or my dad side of the family. Then [December] 25 is with my mom side of the family naman,” sambit niya.

Pero dahil may mga asawa na raw ang mga pinsan niya sa side ng kanyang ina ay ginawa na itong December 26 for this year.

Baka Bet Mo: Christmas Tree: Bakit at paano nga ba naging simbolo ng Pasko?

“So ‘yung [December] 25 ko actually kami ni Cristine ang magkasama,” pagbubunyag ng aktor.

Siyempre, nag-follow up kami kung ano ang magiging plano ng celebrity couple bilang magkasama rin sila sa Pasko.

“Actually, hindi pa namin napa-plan pero for sure dito lang kami sa Manila. Siguro magluluto lang kami tapos bonding nalang with Amara,” lahad niya.

Nang usisain naman namin siya kung may naiisip na ba siyang Christmas gift para kay Christine: “Siyempre, meron na. Pero secret hindi ko sasabihin.”

Paolo Paraiso

“Holiday tradition naming mga Paraiso, we usually spend time. Christmas eve pa lang, nagma-mass kami tapos dinner tapos hintayin namin ang midnight. And then the next day, sa father side, lunch pa lang mag-iinuman na. May lechon, may inuman,” kwento ni Paolo Paraiso sa tanong ng BANDERA.

Aniya pa, “Siyempre, Pilipino. Taga-Laguna kasi ang mga Paraiso kaya kailangan may alcohol lagi.”

Enchong Dee

Para naman kay Enchong Dee, ang importante sa kanila ay maging kumpleto tuwing Pasko.

Lagi rin daw niyang tinitiyak na may ibibigay siyang regalo sa kanyang pamilya.

Ano ba ang inihahain nila tuwing Noche Buena?

Ang sagot niya, “Basta may kanin. Kapag may kanin, masaya ang buhay.”

Bukod diyan, nai-share rin niya sa amin ang madalas niyang gawin tuwing New Year: “Lagi lang akong may barya o pera sa bulsa just in case. Hindi ko nga alam eh. So hoping na buong taon meron tayong budget.”

Royce Cabrera

“Usually naman ang ginagawa namin every year, out of town kami ng family. Naghahanap kami ng private resort, 3 days 2 nights,” chika ni Royce Cabrera.

Paliwanag niya, “Kasi ‘yun lang ‘yung time na pasok ang schedule namin at sama-sama kami so sinasamantala na namin.”

Ibinahagi rin niya na every year silang nagkakaroon ng monito’t monita.

Dennis Trillo

Tulod ni Royce, mine-make sure din ni Dennis Trillo na magsasama-sama silang pamilya tuwing Pasko.

“Kahit gaano ka ka-busy, kahit saan man kaming magpunta, ang importante ay maglaan ng oras para sa pamilya dahil lahat naman nito ay ginawa natin para sa kanila,” wika ng batikang aktor.

Patuloy niya, “Sila ang inspirasyon natin kaya ang tradisyon namin ay maging magkasama tuwing Pasko kahit saan man kami, kahit sa ibang bansa man o dito.”

“Pero ngayong taon, dito kami sa Pilipinas magki-Christmas,” ani pa.

Iza Calzado

Natanong din namin si Iza Calzado kung ano ang Christmas tradition na nakagawian niya.

Kwento niya, “Simula nang mawala ang daddy, napunta na ako sa holiday tradition ng mga Wintle’s and their coming here and spending Christmas here in the Philippines.”

“And normally, we just do opening of gifts for Christmas, tapos we normally cook turkey which I love, ganyan. Tapos very simple,” patuloy niya.

Sinabi rin niya na ang madalas magluto sa kanila tuwing Noche Buena ay ang kanyang mother-in-law.

“[Pero] dito sa Pilipinas, baka i-order namin kasi marami kami ngayon,” natatawa niyang sambit.

Sofia Pablo

Share naman ni Sofia Pablo, “Ever since po kasi ‘nung bata ako, dalawa lang po kami ni mommy. So ang tradition talaga namin, gusto naming mag-travel every Christmas, every holiday actually, gusto naming mag-explore ng iba’t-ibang places whether local or international, by flight or by road.”

Giit pa niya, “Basta gusto namin magkasama kami tapos naglilibot kami ng iba’t-ibang places para iba’t-ibang food, mga adventures, ganyan.”

Bukod diyan, every year din niya sinosorpresa ng regalo ang kanyang ina.

“Hindi ko po kasi hawak ‘yung pera ko, so sabi ko, ‘mommy, penge P10,000.’ Pero binabalik ko po ‘yung sukli para hindi magduda. Kasi kapag hiningi ko exact price, baka malaman,” pagbubunyag ng aktres.

Aniya pa, “So laging every year, mga October po [ako humihingi] para hindi halata. Pinaghahandaan ko talaga, hindi po kasi siya materialistic. Parang wala nga po siya binibili for herself kaya gusto ko every Christmas, ‘yun ang mabibigay ko.”

Read more...