4 ‘M’ kontra ’12 Scam of Christmas’: Huwag magpabudol sa mga sindikato

4 'M' kontra '12 Scam of Christmas': Huwag magpabudol sa mga sindikato

SIGURADONG naglipana na naman ang mga sindikato at kriminal ngayong panahon ng Kapaskuhan hindi lamang sa lansangan kundi maging sa social media.

Inaasahan ng mga otoridad at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na mas darami pa ang mga manloloko ngayong Christmas season, sa pamamagitan ng kung anu-anong scam at mga pambubudol.

Kaya naman patuloy ang pagpapaalala at pagbibigay ng warning ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na triplehin ang pag-iingat lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

November pa lang ay nagsimula na ang kampanya ng CICC at iba pang ahensiya ng gobyerno para warningan ang publiko sa pagkalat ng iba’t ibang uri ng scam lalo na sa social media – ito ay ang “Holiday Watch PH 2024”.

Ito’y naglalayong mapigilan ang pambibiktima ng mga sindikato at scammer ngayong holiday season.

Pahayag ni CICC Executive Director Alexander K. Ramos, “While people are preparing for their shopping lists, parties and travel plans for the Christmas season, cybercriminals are preparing too on how best to scam you.”

Baka Bet Mo: Ronnie Liang biktima ng poser sa socmed, binalaan ang publiko sa mga nanghihingi ng pera: ‘Haist! Grabe! It’s so alarming!’

Aniya pa, “Cybercriminals see the holiday season as the perfect opportunity to launch attacks because of the increase in online shopping and mobile device usage. People take a break during holidays but scammers do not.”

Bahagi nga ng kampanya ng DICC taun-taon ang “12 scam of Christmas” na pwedeng gawing gabay ng lahat upang hindi magtagumpay ang mga walanghiyang scammer.

1. Fake Online Charity Scam

2. Proliferation of Phishing Emails and SMS

3. Fake Shipping Scam

4. Tech Support Scam

5. Fake Relatives Scam

6. Online Shopping Scam

7. Gift Card Scam

8. Job Posting

9. Travel Scam

10. Love Scam

11. Policy Violation Scam

12. Too Good To Be True Pop Up Ads

Samantala, may walong listahan din ang CICC na makatutulong upang masawata ang iba’t ibang modus ng scammers. Agad na isuplong at ireport ang mga insidente ng pambubudol at pagnanakaw online.

1. Call 1326 for online scam victims (CICC, DICT)

2. eReport Online Scams to eGov Super App (DICT, CICC)

3. eReport Online Consumer Complaint to eGov Super App (DTI, DICT)

4. Call 0920-964-DOTR (3687) for Commuter Complaints (DOTr)

5. Use SEC Check App to verify companies offering investments (SEC)

6. Check NPC Seal of Registration for Legitimate Commercial Websites (NPC)

7. Download Whoscall Anti-Scam App for Device Protection (Gogolook)

8. Follow the Four (4) Kontra Scam Attitudes (Scam Watch Pilipinas)

Kasabay nito, nagbahagi rin ang Scam Watch Pilipinas ng apat na paraan para hindi mabiktima ng mga kawatan habang papalapit na ang Pasko.

1. Magdamot – hindi ito masama kung kailangan talagang gawin upang iwas-budol

2. Magduda — kapag may mga tao nang umaali-aligid na hindi mo kilala at kahina-hinala ang kilos

3. Mang-isnab – hangga’t maaari huwag munang masyadong “friendly” at magtiwala agad

4. Magsumbong – agad na tumawag ng atesiyon ng ibang tao o pulis kapag nabiktima na ng kawatan

Sabi Scam Watch Pilipinas Lead Co-Convenor Jocelle De Guzman, “Pinakaimportante po sa akin ang mang-snob kasi yung tinuturo natin sa mga anak natin, ‘don’t talk to strangers’, pero tayo sa internet, sa social media, lagi natin ine-enggage yung mga hindi natin kakilala.”

Read more...