Claudine shookt nang makita si Alfy Yan: Kamukhang-kamukha ni Rico!

Claudine shookt nang makita si Alfy Yan: Kamukhang-kamukha ni Rico!

Alfy Yan, Claudine Barretto at Veronique del Rosario

PROMISING at mukhang maganda ang future sa showbiz ng pamangkin ni Rico Yan na si Alfy Yan na isa na ngayong certified Viva Artists Agency (VAA) talent.

Pumirma na ng kontrata ang 19-year-old na binata sa VAA kahapon, December 10, kasama ang mga big boss ng Viva Entertainment sa pangunguna nina Vincent del Rosario at Veronique del Rosario. Si Alfy ay anak ng kapatid ni Rico na si Geraldine Yan-Tueres.

Humarap ang binata sa ilang miyembro ng entertainment media kasama ang BANDERA pagkatapos ng contract signing kasama ang dating karelasyon ni Rico na si Claudine Barretto.

Pero agad nilinaw ng aktres na hindi siya ang manager ni Alfy, siya lang ang naging tulay para makapasok ang binata sa bakuran ng Viva.

Baka Bet Mo: Alodia Gosiengfiao engaged na kay Christopher Quimbo: I couldn’t believe someone like him exists

Inamin ng aspiring actor na kinakabahan siya sa pagpasok niya sa entertainment industry, “I am definitely nervous a bit. But it is also really exciting for me. Entering showbiz has always been a thought.

“People have always asked me about it, but it was just now I gained more confidence and matured a bit. I just had a boost of confidence,” sey ni Alfy.

Inalala ng binata yung panahon na naisip niyang gusto rin niyang subukan ang showbiz na naging mundo ng kanyang Tito Rico sa loob ng ilang taon.


“I started trending back in 2020. At the time, I was only 15. Now that I’m 19, I’ve gotten the feel for it more and try to test the waters first and see where it goes,” aniya.

Sey ni Alfy, nais niyang sundan ang mga yapak ni Rico bilang isang artist, “I think I’m trying to get the feel of how it is. Of course, following in his footsteps, he started with commercials while he was still studying. I guess, I’m just trying to test the waters.”

Hindi muna sasabak sa aktingan si Alfy dahil paghahandaan pa raw niya ito nang bonggang-bongga, “Maybe I will do endorsements first since I am still studying, commercials, just test the waters first.”

Samantala, wala raw pumilit kay Alfy na pasukin na rin ang showbiz, sabi ni Claudine. Sariling desisyon daw ito ng pamangkin ni Rico.

“I asked him. Nagulat sila na yun ang sagot ni Alfy kasi a few months back, ayaw pa niya. Tinawagan ko na agad si Boss Vic. (Sabi ko) ‘Dad, (tawag niya sa Viva executive) you want Alfy yan to join Viva? Ayun kinulit na ako nang kinulit. Then, diretso na, ang bilis ng pangyayari,” pagbabalik-tanaw ni Clau.

“Divine intervention” daw ang pagkikita  nila ni Alfy nang personal, “Pagpasok ko ng kwarto, may goosebumps ako agad. Kamukhang-kamukha ni Rico! Para akong namalikmata talaga. First time ko siyang nakita, mga ate pa lang niya ang nakilala ko. Di ko pa na-meet si Alfy noon.”

Naniniwala si Claudine na maaaring ipagpatuloy ni Alfy ang mga pangarap noon ng kanyang uncle, “Alam ko hopes ni Rico noon, and wala ng ibang puwedeng magpatuloy pa if not him.

“Ang daming nangungulila sa pagkawala ni Rico. Everybody is rooting for Alfy. Nabuhayan ang Rico-Claudine fans. Parents, even lola niya, lola’s boy siya, nabuhayan loob,” sey pa ng aktres.

Reaksyon naman ni Alfy sa naging pahayag ni Claudine, “I guess at first it feels pressure, but I guess it’s not so pressuring because I know that I’m also kind of doing my own thing.”

Suportado rin siya ng kanyang pamilya sa pagpasok niya sa showbiz, “They have been supportive throughout my entire life on anything that I’ve done, whether it be school, sports, and even this. I think they’ve been really supportive of my decisions and always try to help me.”

Aware rin ang binata kung gaano kasikat noon ang kanyang Tito Rico, “I always hear so much about my uncle like, the movies he was in, everything that he did. It is really nice to hear about it. It’s really cool something like that in our family.

“It’s shocking that until now people talk about his late uncle. I didn’t realize until later on how big his impact was. I guess, there’s also a bit of pressure there.

“But I think it’s really like a nice feeling, I guess, that people are still supporting. It’s really heartwarming to see the support still up to this day,” sey pa ni Alfy Yan.

Read more...