Christian Bautista, Kat Ramnani 6 years nang kasal, bakit wala pang baby?

Christian Bautista, Kat Ramnani 6 years nang kasal, bakit wala pang baby?

Christian Bautista at Kat Ramnani

SIX years nang kasal sina Christian Bautista at Kat Ramnani kaya marami ang nagtatanong kung kailan sila magkakaroon ng anak.

Hanggang ngayon ay wala pa ring baby ang married couple at kapag may mga showbiz gathering at mediacon ay hindi maiaalis na mausisa si Christian kung kailan ba talaga sila magbe-baby ng kanyang wifey.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Lunes, December 9, natanong ng King of Talk kung nao-offend ba sila ni Kat sa tuwing napag-uusapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.

“We don’t take offense kasi parang tradisyon na ‘yan ng Pilipino. Ang lagi ko na lang sinasabi, ‘I have a cat, I have a dog. Check niyo ‘yung Instagram namin,’” ang sagot ng Asia’s Romantic Balladeer.

Baka Bet Mo: Kat Alano kinastigo ng bashers, hinamong magsampa ng kaso laban sa nanggahasa sa kanya: ‘Huwag puro dada!’

Sabi ni Tito Boy, siya raw ang naba-bother sa mga ganu’ng klaseng tanong dahil napakahirap daw nitong sagutin at i-explain.

Sunod na question ng TV host, “I’ll bring it to another point, gaano kahalaga ang anak to a successful marriage?”

Tugon ni Christian, “Ang pinakaimportante yata sa isang marriage ay isa’t isa muna. ‘Yung partner mo muna first before ‘yung pressure na magkaroon ng isang anak.”


Sey ni Christian, may mga nagsasabing dapat daw mag-focus ang mag-asawa sa pagkakaroon ng anak, pero meron namang nagpapayo na dapat munang pagtuunan ng pansin ang kanilang asawa.

“Sinasabi, focus on the marriage so that ‘yung anak makikita ang very, very good example ng isang partnership and would admire you more. So depende na lang kung saan sila pupunta,” aniya.

Nagbigay din si Christian ng scenario hinggil dito, “If there is an extreme case na someone is pregnant, if the woman is pregnant, and then you can only save one, sa mga sine, will you save the baby or the mother?”

“It’s an impossible choice, pero only that moment, only in your faith in God and your trust and faith will give you that answer,” sabi pa ng Kapuso singer-actor.

Read more...