Tita ni Anthony Jennings sa pasabog ni Jam Villanueva: Laban lang!

Tita ni Anthony Jennings sa pasabog ni Jam Villanueva: Laban lang!

Anthony Jennings, Jam Villanueva at Maris Racal

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga netizens ang isang Facebook post mula sa isang netizen na nagpakilalang tita raw ni Anthony Jennings.

Ipinagtanggol ni Merilyn Olofsson ang kontrobersyal na Kapamilya actor mula sa lahat ng mga bumabatikos at patuloy na nangnenega sa binata.

Ito’y matapos ngang ilantad ng ex-dyowa niyang si Jam Villanueva ang ginawang panloloko sa kanya ng aktor at ng ka-loveteam nitong si Maris Racal na patuloy ding nakakatanggap ng hate comments mula sa bashers.

Sa Facebook post ng umano’y tita ni Anthony, dumepensa ito para sa kanyang pamangkin na inaakusahang cheater dahil sa ginawa nila ni Maris kay Jam Villanueva.

Baka Bet Mo: Jam Villanueva tagumpay sa pagwasak kina Maris at Anthony; milyones nawala

Ayon kay Merilyn, buong-buo pa rin ang support niya sa kanyang pamangkin, at ipinagdiinang tao lang si Anthony at nagkakamali rin. Tanging si Lord lang daw ang may karapatang humatol sa aktor.

“Laban lang pamangkin ko, alm ko malalampasan natin lahat to.

“Tandaan mo Dios lang ang pweding humatol!! Lahat ng tao pwede magkamali!!


“Ndto kmi na pamilya mo sumusuporta sayo!! We love you Anthony,” ang nakasaad sa FB post ni Merilyn.

May nabanggit din ang naturang kaanak ni Anthony tungkol sa umano’y “pagkontrol” ni Jam sa pera ng aktor  noong magkarelasyon pa sila.

Dagdag pa niya, halos lahat daw ng mga nakaka-partner ni Anthony sa mga nagawa nitong proyekto ay pinagseselosan daw ni Jam.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Jam, pati na rin nina Anthony at Maris hinggil sa isyung ito.

Read more...