Skincare brand pinuri, hindi niligwak si Maris Racal

Skincare brand pinuri, hindi niligwak si Maris Racal

HINANGAAN ng mga netizens ang isang kilalang skincare brand dahil sa ginawa nitong hindi pagligwak sa Kapamilya actress na si Maris Racal bilang kanilang endorser.

Hot topic pa rin kasi ang dalaga dahil sa cheating issue na kinasangkutan nito kasama ang kanyang ka-love team na si Anthony Jennings na naging resulta ng pagkaka-terminate ng kanyang kontrata sa mga brands na iniendorso.

Kaya naman hindi rin napigilan ng fans ni Maris ang matuwa sa ginawa ng kilalang skincare brand dahil nanatili ito sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktres.

“To err is human, to forgive is divine, keep glowing,” saad sa text caption ng Snail White Philippines sa kanilang Instagram story.

Baka Bet Mo: Xian Gaza kinontra si Maris Racal: Hindi totoo na alam ni Rico

Kalakip nito sy ang larawan ni Maris na kanilang latest endorser.

Agad nga itong nag-trending sa X (dating Twitter) dahil sa samu’t saring reaksyon ng madlang pipol.

“Yes to brands that support rebuilding after a major life setback and not holding people to unrealitically perfect standards,” saad ng isang netizen sa ginawang pagsuporta ng brand kay Maris.

Comment naman ng isa, “When I’m tempted to judge someone’s mistakes, I remind myself that I’m not perfect either. We all fall short just in different ways.”

“Dun tayo sa hindi ilalaglag kahit sa oras ng kagipitan,” dagdag naman ng isa.

Matatandaang sa kasagsagan ng isyu at bago pa magsalita si Maris ay naglabas na ng official statement ang Dazzle Me Philippines na sinasabing tinatanggal na nila ang aktres bilang kanilang endorser.

Read more...