Promise ni Ice kay Liza: 1 dekada na tayo, panghabangbuhay ‘to!

Promise ni Ice kay Liza: 1 dekada na tayo, panghabangbuhay 'to!

Ice Seguerra at Liza Diño

#LOVE WINS talaga ang celebrity couple na sina Ice Seguerra at Liza Diño na nagse-celebrate ng kanilang 10th wedding anniversary.

Nag-post ang mag-asawa ng kanilang sweet photos sa kani-kanilang Facebook accounts kalakip ang anniversary message nila para sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Idinaan nina Ice at Liza ang kanilang pagbati sa pamamagitan ng tula kung saan pinasalamatan din nila ang isa’t isa sa isang dekadang makulay, mapaghamon at punumpuno ng pagmamahal na pagsasama.


Narito ang tulang isinulat ng singer-songwriter at OPM icon para sa kanyang pinakamamahal na wifey.

“Sampung taong hinahanap ang daan sa habang buhay. 

“Akala’y dirediretso lamang pero minsa’y pasikot-sikot at madalas urong sulong. 

“Mga araw na akala’y ang saya ay walang hanggan biglang bubulagain ng lungkot kinabukasan.

“Sampung taong maraming pagsubok na hinarap. 

“Lambingan at tampuhan, bulungan at sigawan. Bati at away, ligaya at iyakan. 

“Samaan nang loob at walang hanggang kapatawaran. May mga araw na inakalang ang samahan ay matitibag. 

“Pero sa bawat hadlang, magkahawak kamay na kinaya ang lahat.

“Sampung taong punong puno nang pagbabago, pero makasisiguro ka na sa bawat araw mula noong ikaw’y nagbigay nang matamis mong ‘oo’ hanggang sa huling hininga, ikaw at ikaw lanLiza Diño-Seguerrahal ko.

“Isang dekada na tayo, Liza. Panghabangbuhay ‘to,” ang buong post ni Ice.

Ito naman ang mensahe ng aktres at producer na si Liza para kay Ice.

“Love, Isang Dekada na Tayo.

“Maraming hindi naniwalang,
aabot nang ganito

“Yung iba umpisa pa lang,
tinataningan na tayo

“Pero sa araw na ito,
“Pinatunayan natin sa buong mundo
“Na ang wagas na pagmamahalan
“Di basehan ang relihiyon o kasarian
“Basta’t tunay na nag-iibigan (yihee!)

“Mahal na mahal na mahal kita
“Happy 10th Wedding Anniversary mahal ko! #ZazaDekada #MisteratMisisZaza #ZazaAnniversary.”

Read more...