Liza may regalong tula sa 41st b-day ni Ice: Kilig pa rin ako!

Liza Diño may regalong tula sa 41st b-day ni Ice: Kinikilig pa rin ako!

Ervin Santiago - September 17, 2024 - 11:34 AM

Liza Diño may regalong tula sa 41st b-day ni Ice: Kinikilig pa rin ako!

Ice Seguerra at Liza Diño

NIREGALUHAN ng tula ng aktres at dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño ang kanyang asawang si Ice Seguerra.

Ito’y para sa pagdiriwang ng 41st birthday ng singer-songwriter at OPM icon ngayong araw, September 17.

Baka Bet Mo: Kim, Paulo parang mag-asawa sa taping ng What’s Wrong With Secretary Kim

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinandera ni Liza ang ginawa niyang tula para kay Ice na may titulong “Kinikilig Pa Rin.” Narito ang kabuuan ng “birthday gift” ng actress-producer sa pinakamamahal na asawa.

“Sampun taon na ba?
Parang hindi pa
Di ko napansin
kasi kinikilig pa rin  

“Ang tagal na ba?
Bakit sawa ka na?
Di ko napansin
puso’y nananabik pa rin  

“Di nga ba’t sabi mo
‘Love, nakakainggit tayo’
Hindi lahat may ikaw at ako
Sana’y forever ganito

“Sa bawat halik
Sa tuwing humihilik
Kapag Ikaw ay tumingin
kinikilig pa rin, Kinikilig Pa rin.”

“HAPPY BIRTHDAY MAHAL KO!

“Ito na lang regalo ko.  Lab yu!”


Sa comments section, nag-post naman si Ice ng reply niya sa mensahe ni Liza, sa pamamagitan din ng tula.

“Sampung taon na nga
Sinong magaakala
Kahit di napansin
Kinikilig pa rin

“Kahit matagal na
Hindi ako nagsawa
Di ko napansin
Dahil ako’y sabik pa rin

“Mainggit na lahat
Sa kung anong meron tayo
Habangbuhay, aking pangako
Hinding hindi magbabago

“Ang iyong halik
At malakas na paghilik
Lalo na kapag ika’y tumitig
Kinikilig pa rin, kinikilig pa rin.”

Dagdag pang komento ni Ice, “Sorry, kompetitib sa pagpapakilig.

“I love you mahal ko!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinagot naman siya ni Liza ng, “Ice Diño Seguerra birthday kooooooo? Ang competitive mo ah.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending