K-drama actor Park Min-jae pumanaw sa edad na 32

K-drama actor Park Min-jae pumanaw sa edad na 32

PUMANAW na ang South Korean actor na si Park Min Jae sa edad na 32.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng kanyang kapatid at ang talent agency ng aktor na Big Title.

Sa isang pahayag na inilabas nitong December 2, ipinaalam nila sa publiko ang nangyari kay Park Min Jae.

“My beloved brother has gone to rest. I hope as many people as possible can remember my brother. Please understand that I cannot contact everyone individually,” saad ng kapatid ng South Korean actor.

Samantala, nagbigay pugay naman ang Big Title sa namayapang si Park Min Jae.

Baka Bet Mo: Kristel sinagot na ang Korean suitor: ‘Finally, my first boyfriend!’

“A beautiful actor who loved acting and always did what was best for him.

“Although I can’t see his acting anymore, I will remember him with pride as he was a Big Title actor. May the deceased rest in peace,” saad ng agency ni Min Jae.

Para sa mga hindi aware, bumida ang aktor sa maraming Korean dramas gaya ng “Tomorrow”, “Little Women”, “Call It Love”, at “Korea-Khitan War”.

Ang huli niyang naging proyekto ay ang 2023 drama na “Korea-Khitan War”.

Ang dahilan ng pagpanaw ni Park Min Jae ay nang bigla itong atakihin sa puso habang nasa byahe sa China noong November 29.

Naganap naman ang burol ng aktor sa Ewha Womans University Seoul Hospital Funeral Hall, at nakatakda itong ilibing sa Disyembre 4.

Read more...