NAGPAKITA ng pagsuporta ang bestfriend ni Kathryn Bernardo na si Arisse de Santos sa tagumpay na tinatamasa nito sa “Hello, Love, Again”.
Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ng dalaga ang larawan ng kanyang bestfriend kasama ang leading man nitong si Alden Richards.
Ito ay para i-congratulate sina Kathryn at Alden dahil sa laki ng kinita ng kanilang pelikula.
“@bernardokath @aldenrichards02, congratulations on HLA! 1.4 billion and still at it! Well-deserved. Get as much rest as you can in between work though! Kilala ko kayo!” saad ni Arisse sa kanyang caption.
Baka Bet Mo: ‘Hello, Love, Again’ nina Kathryn at Alden kumita na ng P1.4-B sa takilya
Dagdag pa ni Arisse, malapit raw sa kanya ang pelikula nina Kathryn at Alden.
“Also, if you guys know us, HLA hits too close to home! I’ve been 5 years in Australia, working on Permanent Residency but finally things are looking up!
“So grateful to be in a better position overall! @itsdanielvelasco has gone on 8 years and proud of this man’s dedication and hardwork! Here’s to building our future together,” sey pa ng bff ni Kathryn.
Umabot na ng P1.4 billion ang kinita ng “Hello, Love, Again” na ipinalabas noong November 13.
Sinadya pa nga ni Arisse na lumipad pa-Manila mula Australia para makadalo ng premiere night bilang pagsuporta sa kaibigan.
Na-meet na rin nito nang personal si Alden base na rin sa mga larawan na ibinahagi nito sa kanyang Instagram.