IN FAIRNESS, magaling ngang mag-alaga si Gerald Anderson ng girlfriend dahil ang ganda-ganda at fresh na fresh pa rin si Julia Barretto.
Muli naming nakaharap ang aktres kamakailan sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Pina Beauty PH at talaga namang nagmumura ang beauty at awra ng dalaga!
Kahit nga super busy sa kaliwa’t kanang trabaho bilang artist, model at influencer ay napapanatili pa rin ng dalaga ang kanyang fresh aura at balingkinitang katawan.
Bukod sa kanyang mga commitments bilang brand ambassador ay ratsada na rin siya sa promo ng kanyang Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Hold Me Close” kasama si Carlo Aquino at mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Baka Bet Mo: Mark Anthony fresh na uli; walang tigil sa pagwo-workout mula nang makalaya
Kuwento ni Julia, mukhang imposibleng makapagbakasyon siya this holiday season dahil nga sa dami ng kanyang mga ginagawa. Pero okay lang daw ito sa kanya kesa naman daw nganga!
Samantala, ipinakilala na nga si Julia recently bilang pinakabagong mukha ng Pina Beauty PH. Perfect na perfect nga raw si Julia ng kanilang mga produkto, ayon sa Pina executives.
Pagmamalaki ng mga taong nasa likod ng Pina, taglay ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla ang values ng isang true-blue Pina beauty – confident at empowered, youthful yet sophisticated.
Ang “Pina” ay mula sa salitang “FiliPINA” na sumisimbolo sa importansiyang ibinibigay nito sa Pinoy heritage at culture.
Layunin ng beauty and skincare brand na i-empower ang mga Pinay at ipanalo ang kahusayan ng mga ito sa iba’t ibang parte ng mundo.
Kabilang sa mga produkto ng Pina ang Pina Light Soap, Pina Glow Soap at Pina Glow Lotion. Ang Pina Light at Pina Glow soaps ay pinarangalan bilang Best Skincare Soaps sa Mega Beauty Awards 2024.
Flattered at blessed naman ang naramdaman ng GF ni Gerald Anderson dahil sa tiwala at pagkakataong iendoso ang Pina Beauty PH at bilib siya sa advocacy nito na iangat ang imahe ng mga Pinay saan mang larangan sa mundo.
Ito nga raw ang isa sa nagpakumbinse sa kanya kaya hindi siya nahirapang umoo para maging ambassador ng Pina.