Rufa Mae Quinto magbo-voluntary surrender, pwedeng magpiyansa

Rufa Mae magbo-voluntary surrender, pwedeng magpiyansa

PINAGHAHANDAAN ng aktres at komedyanang si Rufa Mae Quinto ang kanilang hakbang patungkol sa kasong kinakaharap nito na konektado kay Neri Miranda.

Ilang araw na ring usap-usapan ang kumakalat na chikang bukod kay Neri ay may warrant of arrest ay may isa pamg aktres at ilang politiko na maaaring madamay sa kaso.

Isa nga sa mga pangalang lumabas ay si Rufa Mae na kalaunan ay kinumpirma ng TV host-manager na si Boy Abunda.

Matapos ang kumpirmasyon ni Tito Boy ay sumunod na naglabas ng kumpirmasyon ang abogado ng aktres na si Atty. Mary Louise Reyes.

Baka Bet Mo: Rufa Mae Quinto may warrant of arrest din, damay sa kaso ni Neri Miranda

Aniya, may standing warrant of arrest si Rufa Mae at may kaugnayan ito sa mga taong nag-invest sa Dermacare.

Isa kasi ang klinika na iniendorso ng aktres.

Sa kabila nito ay boluntaryo raw na susuko si Rufa Mae sa mga otoridad.

“She will face those charges. Mag-voluntary surrender siya and magpo-post po kami ng bail for that. She’s worried kasi hindi naman totoo ‘yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser,” saad ni Atty. Reyes.

Chika pa nito, kahit siya ay biktima sapagkat hindi pa siya nababayaran at panay ang talbog ng mga chekeng na-issue sa kanya.

“Ni hindi sa kanya nakapagbayad ng downpayment, tapos ‘yung mga tseke po puro tumalbog. Lahat po ‘yan hawak naman po namin ‘yung ebidensya, ipe-present namin sa court,” dagdag pa ng abogado.

Read more...