MARIING itinanggi ni Rufa Mae Quinto ang lahat ng ibinabatong akusasyon laban sa kanya kaugnay ng umano’y investment scam ng isang beauty clinic.
Idinawit ang komedyana sa mga kasong paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang Securities Regulation Code, tulad din ng kinakaharap na kaso ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda.
Mismong ang talent manager ni Rufa Mae na si Boy Abunda ang nagkumpirma na may lumabas ding warrant of arrest laban sa aktres dahil sa mga nabanggit na kaso.
Ngayong araw naglabas ng official statement si Rufa Mae hinggil sa kinasasangkutang kontrobersiya.
“I have no connection whatsoever to any fraudulent activity and I categorically deny these baseless accusations. If anything, I am also a victim and I am determined to seek justice,” ani Rufa Mae.
Ipinagdiinan pa niya na pinaghirapan niya nang todo ang kanyang career at ginawa ang lahat para mapanatiling malinis ang kanyang pangalan.
“As a public figure, I have always demonstrated my professionalism, transparency, and respect for the people and brands I work with.
“It is dejecting to see my name being dragged through the mud, but I remain steadfast and confident that the truth will soon prevail,” aniya pa.
Nangako rin siya na haharapin ang lahat ng akusasyon sa kanya, “I will cooperate fully with the authorities and face this issue through the proper legal forum. Rest assured, I will fight for my name and reputation.”
“To those who have extended their love and support, I am grateful. Let us allow justice to take its course, and I humbly ask for your patience and understanding as the truth unfolds,” mensahe pa ni Rufa Mae.
Kinumpirma ng legal counsel ni Rufa Mae na si Atty. Mary Louise Reyes na totoong kinasuhan ang aktres ng 14 counts of violation of Securities Regulation Code’s Section 8.
Nakasaad dito na ang lahat ng “securities shall not be sold or offered for sale or distribution within the Philippines, without a registration statement duly filed with and approved by the Commission.”
Sa episode kahapon ng “Fast Talk with Boy Abunda” sinabi ni Tito Boy na nadamay nga ang kanyang talent sa kaso ng beauty company.
“I am alarmed as a member of this industry and as a manager. Para bang gusto kong balikan lahat ng kontrata. Ang endorser ba ay salesman? Kapag sinabi ko pong bumili ho kayo ng donuts na ito, ano ba ang aking responsibilidad?
“Sa aking pagkakaunawa bilang manager, ang nagwa-warrant po sa publiko na ang produkto ay maganda, ay matino ang serbisyo ay ang may-ari ng kompanya.
“Ang endorser ay maniniwala lamang doon sa sinasabi ng may-ari,” esplika ni Tito Boy.
Sey pa ng premyadong TV host, ang nangyari kina Rufa Mae at Neri ay isang wake up call para sa lahat ng mga taga-entertainment industry upang mas maging maingat sa pagpasok sa anumang negosyo o kontrata.
“It’s a very complicated case pero palaisipan po ito. I think the industry as a whole we should be studying our contracts more at kaninong responsibilidad ba ito.
“Naghikayat ako bumili ka ng bahay, naghikayat akong bumili ka ng condo. Saan nag-uumpisa at nagtatapos ang responsibilidad?
“Do I own the company? Am I liable kung, halimbawa, hindi masyadong kagandahan? But I have so many questions. I know that the case is in court,” aniya pa.
Patuloy pa ni Tito Boy, “Isa pang point of interest kung paano kaya nakonekta itong sila Neri, itong sila Rufa Mae doon sa kaso ng piskalya.
“It’s really interesting na dapat marami tayong matutunan bilang members of the industry, lalo ang mga artist at mga manager but that’s for another episode. Eto po ‘yung aking nararamdaman kaya hindi ko po napigilan na hindi magsalita,” dagdag pa niya.