Vivamax actor Karl Aquino naranasang masilipan, di alam kung girl o beki

Vivamax actor Karl Aquino naranasang masilipan, di alam kung girl o beki

Karl Aquino at Rica Gonzales

WALANG kaarte-arte at game na game  sa mga sex scenes ang mga VMX (Vivamax) stars na sina Karl Aquino, Rica Gonzales at Lea Bernabe.

Bibida ang tatlo sa pelikulang “Silip” na mapapanood na simula ngayong araw, December 3 sa VMX Plus, mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr..

At dahil “Silip” ang title ng kanilang VMX Plus Original movie ay natanong namin sila sa naganap na presscon ng pelikula kung naranasan na ba nilang manilip o masilipan.

Inamin ni Karl na nasilipan na rin siya noon pero hindi niya alam kung babae ito o beki. Hinayaan na lang daw niya ang namboso sa kanya at hindi na kinompronta.

Napansin naman ng press na dumalo sa mediacon na medyo nadagdagan ang timbang ni Karl. Paliwanag ng binata, happy daw kasi siya ngayon.

Baka Bet Mo: 2 kapatid ni Carlos binanatan sa ‘zombie challenge’, mga PWD binastos daw

“Sabi nga, ‘di ba, kapag masaya ka sa buhay, kain ka nang kain. Pero ngayon, nagbabawas na ako (ng timbang),” sabi ng VMX actor.

Matagal-tagal ding hindi napanood ang binata sa TV at pelikula pero dinenay niya ang chika na nag-quit sa showbiz, “Hindi lang ako rin nabigyan ng project dahil siguro, may mga bago rin (na artista).”

Natanong naman ang dalawang leading lady niya sa “Silip” na sina Rica at Lea kung kumustang katrabaho si Karl. Pareho silang nagsabi na napaka-gentleman ng binata.


“Inaalagaan niya po kami,” ani Lea.

Sabi naman ni Rica, “I’m really grateful po talaga na si Kuya Karl po ‘yung naging leading man ko dito. Kasi same management po kami so, magkapatid po kami talaga, so siya po talaga ‘yung nag-guide sa akin dito and sobrang alaga rin po niya talaga lalo na sa mga love scenes.”

Samantala, iikot ang kuwento ng “Silip” kay Joel (Karl), na may-ari ng isang paresan sa tapat ng apartment ng dalagang matagal na niyang inaasam-asam.

Ang babae ay si Rose (Rica), na isa palang prostitute na siniserbisyohan ang kanyang mga kliyente sa kanyang apartment. Ang mga kliyenteng ito ay kumakain sa paresan ni Joel pagkatapos makapiling si Rose.

Habang kumakain, magkukuwento ang mga naging kliyente ni Rose at aalalahanin kung gaano ito kagaling sa kama at kung paano sila nito napapaligaya. Sa pakikinig ni Joel sa mga kuwento, mas titindi pa ang pagnanasa at pagpapantasya niya kay Rose.

Aayon naman ang panahon kay Joel dahil sa wakas ay magkakakilala sila ni Rose dahil kakain ito sa kanyang paresan.

Ano’ng gagawin ni Joel para makasama ang babaeng matagal na niyang hinahangad kahit na isang gabi lang? Ano ang handang bayaran ni Joel para makasama si Rose? At paano maiiba ang trato ni Rose kay Joel kumpara sa iba niyang kliyente?

Alamin at panoorin ang “Silip” ngayong December 3 kapag nag-subscribe ka sa VMX sa web.vivamax.net.

Read more...