MALAPIT nang ikasal ang Filipino-American singer at actress na si Hailee Steinfeld!
Nag-propose na kasi sa kanya ang American football quarterback na si Josh Allen.
Ang engagement ng dalawa ay ibinandera mismo ni Josh sa Instagram na makikitang nakaluhod sa harapn ni Hailee at tila magkahalikan.
Mukhang pinaghandaan din ng football player ang special moment dahil ang bongga ng lugar na kung saan ay overlooking ang karagatan at napapalibutan pa sila ng mga kandila at bulaklak.
Walang detalye sa proposal, pero makikita ang katagang “11•22•24” na petsa kung kailan inaya niya ng kasal ang singer-actress.
Ang IG post ay shinare din ng National Football League (NFL) sa X (dating Twitter) upang ipaabot ang kanilang “congratulatory” message sa soon-to-be husband and wife.
“Congratulations to Josh Allen and Hailee Steinfeld on their engagement! [ring, red heart emojis],” wika sa post.
Congratulations to Josh Allen and Hailee Steinfeld on their engagement! 💍❤️
(via @JoshAllenQB, @HaileeSteinfeld) pic.twitter.com/vpQgfK0KaO
— NFL (@NFL) November 29, 2024
Unang nabalitaang may “something” ang dalawa nang maispatan silang magkasama sa New York City last year.
Makalipas ang ilang buwan ay kinumpirma ni Josh na nagde-date na sila ni Hailee, ngunit nakiusap siya sa The Associated Press na huwag banggitin ang singer upang manatili ang kanilang private life.
Kasunod niyan ay madalas nang dumalo si Hailee sa mga laro ni Josh at nagkaroon pa nga sila ng Halloween party together.
Si Hailee ay mula Los Angeles at nagsimula siyang sumabak sa acting career noong nasa edad 10.
May dugong Pinoy ang aktres dahil ang kanyang lolo sa mother’s side ay half-Filipino.
Ang great-grandfather naman niya ay tubong Panglao, Bohol.
Bukod sa pag-arte, isa ring singer si Hailee na nagsimula noong 2015 matapos bumida sa musical movie na “Pitch Perfect 2.”
Samantala, si Josh naman ay isa sa NFL’s best quarterbacks matapos mapili sa unang round ng 2018 draft sa Wyoming, US.