AMINADO si Gary Valenciano na isa siya sa mga tagasubaybay ng hit series na “The Chosen.”
Kamakailan lang, bumisita sa ating bansa si Jonathan Roumie, ang kilalang aktor sa kanyang papel bilang si Jesus sa nasabing serye.
Nagkaroon siya ng live fan meeting event sa Mandaluyong City at present diyan ang ilang celebrities kagaya nina Rabiya Mateo, Roxanne Guinoo, Andrea Del Rosario, Wendell Ramos, Betong Sumaya, Camille Prats-Yambao, at Gary V.
During the event, na-interview ng event host si Mr. Pure Energy at diyan ibinunyag ng batikang singer na isang siyang fan.
“I am thrilled to see everyone here for this event. I have been a solid Chosen follower since the very beginning, actually during the pandemic. I am really really blessed that they are here to a nation that has been hungry for the Lord,” sey niya.
Baka Bet Mo: Jonathan Roumie pinukaw ang puso ng Pinoy fans, may holiday special sa Dec. 11
Chika pa ng singer, “And the series resonates so well with me and, I can’t wait to make Jonathan know this, but ever since I was a child, the way I’ve always felt Jesus talking to me is exactly the way Jonathan portrays Him to be. You know, very tender, but very firm, very loving but with authority with every word that he says.”
Inilarawan din niyang “life changing” ang serye na pinagbibidahan ni Jonathan.
“Sa mundo natin ngayon kasi kung ano-ano ang mga pumapasok sa ating mga mata and sa ating mga tenga, at kung ano-ano ‘yung mga hinahayaan natin na nagiging bahagi ng buhay natin, but if you watch ‘The Chosen’ and follow from beginning, from Season 1 and when Season 5 comes out, when you see the whole thing, you get to see a different perspective of what Jesus can be to you,” sambit niya.
Aniya pa, “People who already know the Lord, you’ll get to know Him in different ways while watching ‘The Chosen’.”
Samantala, ang Christmas special ng serye na “Christmas with The Chosen: Holy Night” ay ipapalabas sa December 11 sa SM Cinemas.
Ang ikalimang season naman ng hit series ay mapapanood sa darating na Abril sa susunod na taon.