NAGTAPOS ng master’s degree ang actor-politician na si Jomari Yllana at ito ay proud na proud na ibinandera ng kanyang misis na si Abby Viduya sa social media.
Sa Instagram, makikita ang ilang graduation photos ni Jomari.
Ang caption pa riyan ng kanyang asawa, “Congratulations my husband! I’m so proud of you baby [flying kiss emoji].”
Mensahe niya, “I love how you turn dreams into reality. Keep dreaming and never forget that anything is possible.”
Ang tinapos ng aktor ay management major in public administration sa Philippine Christian University (PCU).
Baka Bet Mo: Jomari Yllana may ‘template’ nga ba sa bawat babaeng minamahal, sey ni Cristy: Parang walang sinseridad?
Nangyari ang graduation ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay noong Biyernes, November 29.
Sa isang interview, ibinunyag ni Jomari na bukas siyang i-pursue ang doctorate degree.
“Walang impossible sa Diyos basta gustuhin mo kayang kaya mo ‘yan. Kahit ano walang imposible sa mundo. Kung ano ‘yung gusto mo mag-achieve may kasamang sakripisyo pero kayang kaya kahit anong lifestyle mo,” sey niya sa isang interview.
At bilang matatapos na rin ang termino niya bilang konsehal ng 1st district of Parañaque, nagbabalak siyang bumalik sa showbiz industry!
“Isa sa pinaka exciting, ‘yung nagbakasyon ka. I stopped showbiz, late thirties, so kapag bumalik ako mag fifty na. Eksakto 10 years ako na nawala. Pinaka exciting sa artista ‘yung re-packaging,” chika niya.
Dagdag pa ng aktor, “Ako sakin ha hindi ako kinakabahan. Kahit nung araw, my very first audition for ‘Hihintayin Kita sa Langit.’ Kahit nung umpisa walang kaba. More like excitement.”
Kung matatandaan, taong 2015 pa nang huling nasilayan sa telebisyon si Jomari na kung saan ay tumampok siya sa seryeng “The Half Sister” at ang supernatural horror film na “The Healing.”