WALANG-AWANG “pinatay” ng isang Facebook page ang “Eat Bulaga” host na si Ryzza Mae Dizon at idinamay pa si Bossing Vic Sotto.
Nag-post ang naturang FB account ng isang artcard kung saan nakalagay ang picture nina Ryzza at Bossing at sinasabing namatay na raw ang young TV host.
Sa pagitan ng litrato nina Vic at Ryzza ay makikita ang isang kabaong na napapaligiran ng bulaklak. May nakasulat pa sa post na, “MAHAL NA MAHAL KITA RYZZA, PARA NA KITANG ANAK. DI KA NAMIN MALILIMUTAN!”
Halata namang peke ang balita dahil buhay na buhay pa si Ryzza at patuloy pa ring napapanood sa “Eat Bulaga” sa TV5 at siguradong gusto lang umani ng views at likes ang naturang FB page.
Baka Bet Mo: Kabayan Noli ‘pinatay’ sa socmed, Kat de Castro umalma: My Dad’s absolutely fine, we just had dinner
In fairness, matatalino na rin ang mga netizens ngayon dahil sila na ang bumanat sa naturang socmed account.
“Nabuang naka.”
“Bakit kya my taong ganito….karmahin ka sna.”
“Idedemanda ka ni bossing anak anakan yan ni bossing si ryzza.”
“Pati ba naman si Ryzza hindi nakalugtas sa fake news. kung namatay si ryzza ibalita sa tv. Itong nag post ang pumanaw na.”
“Condolence sa nagpost. Sumaimpyerno nawa ang iyong kaluluwa.”
“Dapat may batas n nagpapakalat ng fake news at bigyan ng parusa.”
“E kung kyo kya ang ilagay jan pra mnhimik kyo.”
“Hayaan nyo lng my karma yan. ryza lalong hhaba ang buhay mo at susuwertihin lalo ang buhay mo god bless.”
“Da dami ng pronlems ng lipunan.nakuha png makialam sa buhay ng my buhay.condolance po sa nag post. Nag trending kn.”
“Sana sa mga taong walng mgawa sa buhay mgdasal Kyo lagi in ind yung gnyn na pgiisip na walng mtutulong mabuti sa inyo yn God bless sa inyo mgisip Naman kyong mganda.”
“Condolence po sa sira ulong nagpost samalangit nawa ang kanyang kaluluwa.”
“Identified na namin yong taong gumawa nito ano mang oras aarestuhin na namin from CIDG NCR.”
Last year, nabiktima rin ng ganitong fake news si Bossing sa Facebook. Sa isang artcard na kulay itim ay may nakasulat na, “BREAKING: ‘VIC’ Sotto, Namatay sa edad 68. Paalam Bossing VIC Sotto, Salamat sa buhay mo sa EB.”