Shaira dapat magbuntis agad after ng kasal nila ni EA: Wag nang patagalin

Shaira dapat magbuntis agad after ng kasal nila ni EA: Wag nang patagalin

EA Guzman, Shaira Diaz at Rei Anicoche Tan

NEXT year na nakatakda ang inaabangang kasal ng Kapuso celebrity couple na sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman.

Nagsimula nang mag-prepare ang engaged couple para sa kanilang wedding na magaganap sa 2025 at aminado silang nakakaramdam na sila ng magkahalong nerbiyos at excitement.

Sa naganap na presscon para sa 25th anniversary celebration ng Kapuso morning show na “Unang Hirit”, nahingan ang isa sa mga host ng show na si Suzi Entrata Abrera kung ano ang maipapayo niya sa co-host nilang si Shaira sa nalalapit na pagpapakasal nito.

In fairness, #CoupleGoals ding maituturing ang married life ni Suzi dahil until now ay solid na solid pa rin ang  relasyon nila ng mister na si Paolo Abrera.

Sagot ni Suzi, “I think she’s doing a great job. Sila ni EA, ang tagal na nilang magkasama, and what I admire about her… I think 11 years na silang together, when she talks about EA, kinikilig pa rin siya.

Baka Bet Mo: Sino kina Shaira at EA ang dapat humawak ng pera kapag kasal na?

“Kapag birthday ni EA, gumagawa pa rin siya ng special way. So, nakikita ko na sobrang in love, na-maintain nila ‘yung love nila for each other. Na as if, first year pa lang nilang mag-boyfriend, girlfriend.


“So, I think, magiging happy family talaga sila,” pahayag pa ni Suzi.

Sey naman ni Shaira, feeling lucky siya na may mga tulad ni Suzi na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila ni EA na nagbibigay ng mga advice para mas mapatibay pa ang kanilang pagsasama.

“Kaya sobrang suwerte ko po kasi, heto na nga, next year na. Ay, nadulas yata ako! Ha-hahaha!

“Pero ‘yun nga, ang dami kong nakukuhang advice sa kanila. Sobrang suwerte ko talaga. Lahat sila may naibabahagi sa akin. Kaya masayang-masaya po ako.

“Hindi sila madamot magturo ng lesson, o mga experience nila sa akin. Mga naituro nila sa akin na kapag ikinasal na raw kami, mag-anak na raw agad. Na huwag nang patagalin, kasi masarap daw ang pakiramdam na may kasama kang baby sa bahay,” sey pa ni Shaira.

Sa isang panayam naman kay EA ay natanong din siya tungkol sa ginagawa nilang paghahanda ni Shaira sa kanilang wedding.

“Nasa stage na kami na, dito na kami sa mga ninong, pinupuntahan na namin personally. Siyempre, we wanna show our sincerity and faithful kami sa kanila. And siyempre yung plano, lahat na-finalize na namin,” aniya.

Dito lang daw sa Manila magaganap ang kanilang church wedding, “Gusto namin tapusin siya by December, okay na kami. Para by January, yung mga maliliit na lang ang aayusin.

“Finally okay na. Sasabihin naman namin sa inyo kung malapit na siya. Important yung date talaga, lalo na sa church. Medyo mahirap kasi yung reservation sa church. Yun na lang ang inuuna namin.

“Wino-workout namin next year, kasi gusto na rin namin, e. Especially ako, gusto ko na talaga magpakasal kami.

“Hindi naman yun problema kay Shaira. Finalizing lang talaga ng ibang kailangan pang ayusin. Ako, ready na talaga. Si Shaira ready na rin.

“Pina-finalize lang namin talaga lahat is this year, and after that, okay na. Gusto namin dito lang sa Manila, para at least madali at sa family namin,” pagbabahagi pa ni EA sa naturang panayam.

Sey pa ni EA, habang naghahanda sila ni Shaira sa kanilang kasal ay marami rin silang nadi-discover sa isa’t isa, “Mas lalo naming minahal yung isa’t isa, especially ako.

“Ngayong papalapit na, inaayos na namin pina-finalize na namin. Sabi ko, du’n ko naramdaman na priority rin pala ako ni Shaira, yung ganu’n.

“Mari-realize ko na talagang mahal ako ng taong ito. Kaya habang tumatagal, yung love namin sa isa’t isa, habang pinaplano namin yung kasal, mas nagiging matatag pa kami.

“Yung mga talu-talo, wala. Hindi nangyayari sa amin yun. Nagulat nga kami, magkaiba kami ng opinyon, magkaiba kami ng gusto, pero at the end of the day, nagswak. Nagkakasundo kami,” sey pa ni EA.

Masaya ring ibinalita ng aktor na may bahay na rin silang titirhan ni Shaira after ng wedding. Pero nagpaplano na rin siya na makapagpatayo ng malaki-laking bahay kapag nagka-baby na sila.

Pinaplano na rin daw nila this early ang pagakakaroon ng baby, “Ang gusto namin, kahit dalawa, okay na kami. Boy and girl sana. Kung ano man yung ibigay ni Lord, kasi blessing yun, e.”

Read more...