ISA sa mga pinapangarap ng OPM icon na si Ice Seguerra ay ang maidirek ang mga iniidolo niya sa entertainment industry.
Bukod sa pag-arte at pagdidirek ng mga concerts at live shows, wish din ni Ice na maka-collab ang malalaking celebrities sa entertainment industry, partikular na ang mga kapwa niya music icon.
Nakachikahan namin si Ice kasama ang ilan pang members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) recently at isa nga sa mga natanong sa kanya ay kung anu-ano pa ang dream projects niya.
“Ako? Siguro ang dream ko, honestly, more than ako ‘yung mag-perform, dream ko ma-direct ‘yung mga idol ko.
“Siyempre Gary V., si Regine (Velasquez), gusto ko siya ma-direct, kuya Martin (Nievera). May mga pinag-uusapan kami ni Liza (Diño, his wife) na parang mga concept na ‘yung mga naiprisinta niya, we’re really interested to do it. Gusto ko rin makapag-direct ng play,” sagot ng actor-singer at songwriter.
Baka Bet Mo: Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra
Pero wala pang idea si Direk Ice kung kailan ito mangyayari, “Hindi ko pa alam. Let’s see. Kasi syempre, ngayong may company na (Fire and Ice) talagang doble kayod lalo, eh. Full blast talaga.”
Bukod sa concert at stage play, balak din nila ni Liza ang mag-venture sa pagpo-produce ng pelikula in the future.
“May plan kami. So actually, meron na kaming project. May treatment na kami and everything. It’s called ‘Trans Fatherhood.’
“Yes, so it’s a story about… basically, it’s our story (ni Liza). It’s a story about this person who’s going through transition at the same time, finding how it is to be in a designated father role,” aniya pa.
Mas gusto raw niyang siya lang ang magdirek ng movie kesa umarte, “Sana hindi ako ‘yung artista. Because I really wanna experience directing it lang.
“Gusto namin si Elliot Page. So right now, si Liza actually, she presented. Kasi ‘yung last…she presented our project. And I think may mga interested na mga co-producer. We just have to really develop kasi may treatment na kami.
“If we get enough, hindi pa ito next year, definitely. Kasi we need to present a short presentation, para lang makita rin nung mga possible investors ‘yung magiging look, ‘yung visual treatment nu’ng film. So we might do that first,” aniya pa.