Kapuso star Elijah Alejo naholdap: May tumutok sa ‘kin, it’s something matulis

Kapuso star Elijah Alejo naholdap: May tumutok sa 'kin, it's something matulis

NAHOLDAP ang Kapuso Sparkle Artist na si Elijah Alejo habang naglalakad papasok sa kanilang school nitong nagdaang Huwebes, November 28.

Nakakaloka ang nangyari sa dalaga na talagang nagdulot ng matinding takot at trauma sa kanya kapag naaalala niya ang insidente.

Nag-post ng video sa TikTok ang Kapuso star kung saan naikuwento nga niya ang ginawang panghoholdap sa kanya ng hindi pa nakikilalang suspended.

Baka Bet Mo: Elijah Alejo pahinga muna sa pagiging kontrabida; Anna Vicente binigyan ng big break ng GMA

Aniya, nangyari ito pagkababa niya sa sinakyang motor taxi mula sa kanilang bahay hanggang sa bisinidad na malapit sa kanilang eskwelahan.

“Naholdap ako kaninang madaling araw. 5:30 a.m. ang call time namin sa campus since may tree planting kami ngayon.

“Late ako nagising tapos masama pa ang pakiramdam ni mommy so nag-motor taxi ako,” simulang pagbabahagi ng dalaga.

“Supposedly, pagkarating namin doon sa campus doon ako magpapababa sa loob. Pero nagpapadagdag si kuya rider (ng bayad) kaya hindi na ako pumayag,” kuwento pa ni Elijah.

Ayaw nang makipagtalo ng aktres sa driver kaya bumaba na lang siya sa sidewalk malapit nga sa pinapasukang eskwelahan.

At habang naglalakad na patungo sa kanilang school ay bigla na lang daw may nanutok sa kanya ng isang matulis na bagay mula sa kanyang likuran.

“Biglang may tumutok sa tagiliran ko and it’s something matulis. Sinabihan ako ibigay ko ‘yong wallet ko.

“Binigay ko na lang ‘yong wallet ko. Thank, God, I’m safe. Ang problem lang is walang CCTV sa area,” ang lahad pa ni Elijah.

“It was pa-simple. At that time, nag-freeze ‘yung utak ko. Lahat ng alam kong self-defense, lahat as in, nawala. Biglang naglaho na parang bula. As in, natakot ako,” aniya pa.

Nagbigay din ng paalala ang Kapuso actress sa lahat na palaging mag-ingat sa paglalakad at pagko-commute dahil talagang marami pa ring kriminal na naglipana sa paligid.

“To everyone na naglalakad or kaya nagko-commute, stay safe everyone,” aniya.

Napanood si Elijah sa mga GMA afternoon series na “Prima Donnas” at “Underage.”

Read more...