Trigger Warning: mentions of sexual abuse and harassment.
NAGKAROON ng paglilinaw si Niño Muhlach kaugnay sa recent statement niya patungkol sa kanyang anak na si Sandro at ang sexual abusers nito na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
May mga hindi nakaintindi kasi ng naging biro niya sa isang exclusive interview with Philippine Entertainment Portal na ang sabi ay, “Si Sandro, ayaw magpa-areglo. Pero sabi ko, ‘Kung PHP100 million na, magpatawad ka na, anak. Matuto kang magpatawad!’”
Sa pamamagitan ng Facebook, iginiit ng batikang aktor na “joke” lang ‘yung naging pahayag niya.
“Para sa mga hindi marunong mag differentiate ng joke at ng totoong comments, para sa inyo ito!” bungad ni Niño sa post.
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach tinalakan si Atty. Maggie Garduque: How ironic
“However, it is crucial to clarify that my comments during the interview were not meant to be taken seriously,” sambit ng aktor.
Paliwanag niya, “My son is a victim of sexual abuse and I want to make it unequivocally clear that we have no intention of seeking a settlement from the perpetrators.”
Nabanggit din niya na ang layunin ng kanyang pamilya ay makuha ang hustisya para kay Sandro kaya never silang makikipag-areglo sa mga suspek umano.
Wika pa niya, “The Department of Justice will be prosecuting the case, and I place my trust in our legal system to deliver the rightful outcome.”
Magugunitang nagsimula ang sexual abuse umano kay Sandro matapos ang GMA Gala 2024 noong July 20.
Makalipas ang isang buwan, nagsampa na ng kasong rape through sexual assault and several acts of lasciviousness si Sandro laban kina Jojo at Richard sa Department of Justice (DOJ).
Ang alleged sexual abuse ay iniimbestigahan din sa Senado bilang parte sa isinasagawang pagdinig kaugnay sa sexual abuse sa entertainment industry.
Diyan ibinunyag ng aktor na maliban sa panghahalay ay tinuruan din siyang gumamit ng ilegal na droga.