Vin Diesel na-fall kay Andrea del Rosario matapos magkita sa bar, pero basted?

Vin Diesel na-fall kay Andrea del Rosario matapos magkita sa bar, pero basted?

BINASTED ng original member ng Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario ang Hollywood superstar na si Vin Diesel.

Iyan ang inamin ng award-winning actress aktres nang matanong kung may kilalang celebrity na nanligaw sa kanya pero hindi niya binigyan ng chance, ibig sabihin – basted!

Sumabak sa “Kitchen-terrogate” segment ng GMA Public Affairs show na “Lutong Bahay” hosted by Mikee Quintos at napapanood sa GTV, si Andrea at isa nga ito sa nausisa sa kanya.

Question ni Mikee sa dating sexy actress, “Magbigay ng pangalan ng showbiz personality na nanligaw sa yo pero binasted ninyo.”

Baka Bet Mo: Halloween 2024: Andrea del Rosario, Aubrey Caraan nakaramdam ng multo sa set

Kapag tumanggi si Andrea na sagutin ang tanong ay kailangan niyang inumin ang milk-wasabi concoction na nasa shot glass bilang consequence.

Pero sa halip na gawin ang challenge, diretsahang sinagot ni Andrea ang intriguing question ng, “Vin Diesel!”

Shocked na reaksyon ni Mikee, “Really, really? Actually isa yun sa susunod na question pero sinagot n’yo na. Totoo?”

Sey naman sa kanya ni Andrea na tawa nang tawa, “Hindi, dyino-joke lang kita, ayoko lang uminom nu’n (milk-wasabi). Mikee naman, e, huwag na. Before pa yun e, ilang years ago.”

Pero napilit pa rin ni Mikee si Andrea na sagutin ang sumunod niyang tanong – paano sila nagkakilala ni Vin Diesel na kilang-kilala ng mga Pinoy bilang isa sa lead stars ng Hollywood action movie na “Fast and the Furious” movie.

Kuwento ni Andrea, nasa Amerika raw siya that time, “Na-meet ko siya kasi, di ba, when you go to mga bars, di ba, may lumapit sa akin mga bodyguard niya, sabi, ‘Hey, you know, he wants to meet you.’

“Sabi ko naman, ‘Woah, ah okay.’ Iniwan namin siya. So, basically we walked around and then may lumapit ulit sa akin, tapos yung bodyguard niya ulit.

“In-invite niya kami na pumunta sa house party niya. Ganu’n ko siya na-meet,” rebelasyon ng aktres.

Next na tanong ni Mikee, “Yung rejection po, paano nangyari?”

Sagot ni Andrea, “Rejection…kasi umuwi na ako ng Philippines after that. So, we went to his house, we went there several times, nagkaroon sila ng mga house parties.

“And then siyempre minsan may mga kuwentuhan kami, moments-moments, ganyan. Ayun na yun. And then, kinailangan ko na umuwi sa Philippines,” kuwento pa niya.

May lumabas na balita noon na talagang na-fall daw ang Hollywood superstar kay Andrea. Kahit daw kasi nakabalik na sa Pilipinas ang aktres ay kinukumusta pa rin siya nito.

“Siyempre, hindi naman ako nag-aambisyon na it’s gonna be more than that. It’s just one of those random things na nangyari…na na-meet ko siya, nagkaroon ng bonding moment.

“Kumbaga, let’s leave it at that. And if he’s here, it’s nice to know he’s finally here in our country. If I see him, okay, but if not, it’s not a big deal,” saad pa niya.

Dagdag pa niya, “I mean, kung makita ko siya, and to see if he still remembers me, mangyayari pag talagang mangyayari.

“But I will not go out of my way to see him, alam mo yun? Hindi ako yung, ‘Hey, did you see me?!’ No.

“Kasi, even when I met him before, hindi ko naman sinabing artista ako. I never really pushed myself to get his attention.

“He invited me so many times to come back (sa house ni Vin) and he wanted me to stay there. And I said no. That was 2005 noong magsama kami,” lahad pa niya.

Sa ngayon, happy na si Andrea sa piling ng kanyang American partner na si Anthony Garcia. May 13 anyos na rin siyang anak ngayon, si Beatrice.

Read more...