Trigger Warning: Mentions of rape, sexual abuse and harassment.
ILANG buwan matapos isiwalat ang sinapit na sexual abuse, first time na nagkita in-person sina Sandro Muhlach at Gerald Santos sa isang undisclosed gathering.
Sa Instagram Story, masayang ibinandera ni Sandro ang litrato nila ni Gerald at inihayag ang kanilang pag-asa patungo sa paghilom mula sa mapait na karanasan.
“Nice to see you in person, Kuya @thegeraldsantos!” bungad niya sa caption.
Walang detalye tungkol sa pagkikita ng dalawa, pero mensahe ng baguhang aktor, “Our story doesn’t end with suffering. Hope, healing, and a brighter tomorrow awaits.”
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach: ‘Wag nating hayaang manalo ang mga bumaboy sa atin!
Shinare ni Gerald ang IG Story ni Sandro at sinabing masaya rin daw siyang nagkita sila.
“Likewise @sandromuhlach! Finally we met in person!” wika niya sa post.
Kung matatandaan noong Agosto, naging maingay ang pangalan ni Sandro matapos magsampa ng reklamo laban sa sexual abusers umano na sina Jojo Nones at Richard Cruz na mga independent contractors ng GMA.
Sa kaparehong buwan, ibinunyag naman ni Sandro sa pagdinig sa Senado na siya ay ni-rape ng dating Kapuso musical director na si Danny Tan noong 2010.
Noong Oktubre, kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) sina Jojo at Richard sa Pasay City Regional Trial Court.
Samantala, ang kaso naman ni Gerald ang nagtulak sa YouTuber na si Enzo Almario na maglantad, kasama ang dalawa pang menor de edad, kaugnay sa panggagahasa umano sa kanila ni Danny.