Aga bet na bet maging kontrabida; Tirso feeling honored sa ‘Uninvited’

Aga bet na bet maging kontrabida; Tirso feeling honored sa ‘Uninvited’

PHOTO: Courtesy of Mentorque Productions

BUKOD sa star-studded at bigating mga artista, sinabi ni Aga Muhlach na nag-enjoy siya sa kanyang kontrabida role sa upcoming movie na “Uninvited.

Inamin niya ‘yan matapos tanungin sa bonggang grand launch ng pelikula na ginanap sa Solaire North, Quezon City kamakailan lang.

“With all honesty and all humility, hindi po siya mahirap gawin pag ang kasama mo ay puro magagaling,” bungad niya.

Sey ni Aga, “It was really an experience para sa akin. I was just having fun on set. Mas masaya ko siyang ginawa. Masayang maging masama (sabay tawa) sa pelikula.”

Baka Bet Mo: Vilma nagsalita na kung bakit mas pinili ang ‘Uninvited’ kaysa sa ‘Espantaho’

“I mean, nag-usap kasi kami ni direk na parang huwag naman tayong gumawa ng masama na typical, alam mo na…maganda ‘yung masama na minamahal ka rin. ‘Yan po ang ginawa namin ni Direk Dan Villegas. First time ko rin siyang makatrabaho. Very open siya sa lahat ng kung ano ang gusto naming gawin,” kwento pa niya.

Bukod kay Direk Dan, first time din niyang makatrabaho si Nadine sa isang proyekto.

Pagbubunyag ng batikang aktor, “Walang warm-up. Basta nagkita kami sa set, nag-shoot kami, mabigat agad ‘yung eksena namin. Pero nag-enjoy kami.” 

“Masaya, lahat masaya. Parati akong umuuwi na nakangiti parati dahil sa role na ginawa ko rito. Kaya excited rin ako na mapanood ninyong lahat,” sambit pa ni Aga.

 Nabanggit niya rin na kaya tinanggap niya ang proyekto dahil makakasama niya rin sina Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, at RK Bagatsing.

Baka Bet Mo: Nadine, Vilma aminadong na-challenge sa ‘Uninvited’: ‘Sobrang extreme!’

“Nagulat talaga ako na kasama siya rito kaya tinanggap ko rin ito – si Ketchup Eusebio. Nagulat talaga ako. Sabi ko, ‘Talaga? Hindi pwedeng hindi ko gawin itong pelikula na ‘to.’ Tapos si Gio Alvarez sinabi na andiyan din at si RK Bagatsing,” wika ni Aga.

Para naman kay Tirso Cruz III, very honored siya na maging parte ng “Uninvited.” 

“The one thing that I’m really proud of every time I do movies, nagkakaroon ako ng tsansa na makasama ang magagaling na artista, lalo na [‘yung] movie na ito kasama sina Vi, kasama si Aga, kasama si Nadine and most importantly the chance to be directed by Dan Villegas which I like to say that I’m very, very proud to say na you get a chance to be directed by an actor’s director…direct to the point siya, sasabihin niya kung ano ang gusto niya at kung kaya mo itawid o kaya mo gawin,” lahad niya.

Patuloy niya, “Every time I’ll be given a chance as an actor, you get more excited, you get more interested whatever role you’re playing and try to put your best foot forward dahil lahat ng kasama mo naka-best foot forward lahat eh, so matatangay ka even mismo ikaw madadala nila.”

  

Ang “Uninvited” ay produced by Mentorque Productions, ang producer ng MMFF 2023 hit na “Mallari,” at sa pakikipagtulungan ng Project 8 Projects at Warner Bros. Pictures.

Bukod sa mga nabanggit na artista, tampok din diyan sina Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, at marami pang iba.

Ang upcoming film ay mapapanood sa mga lokal na sinehan simula December 25.

Read more...