WALANG third party o lokohang involved sa paghihiwalay ng dating magdyowa na sina Thea Tolentino at Mikoy Morales.
Mas binigyang importansiya ng dating Kapuso couple ang kanilang future at career growth kaya mas pinili na muna nilang mag-break at pagtuunan ang kani-kanilang trabaho.
Sa guesting ni Thea sa nakaraang episode ng “Lutong Bahay” inusisa ng host na si Mikee Quintos kung ano ba ang tunay na rason sa paghihiwalay nila ni Mikoy.
“Nag-break kami because na-feel ko na I can grow more as a person, but not together,” tugon ni Thea.
Baka Bet Mo: 2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: ‘Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema’
Pareho raw silang nakipag-break ni Mikoy sa isa’t isa pero siya ang unang nagpahiwatig, “Parang mutual eh. Ako ‘yung nag-initiate.”
“Para sa akin okay siya,” sabi ng magaling na kontrabidang aktres sa tanong ni Mikee kung “okay” o “bad” ang naging breakup nila ni Mikoy.
In fairness, napanatili naman nila ng aktor ang kanilang friendship kahit na naghiwalay sila. Matatandaang unang nag-break sina Thea at Mikoy noong 2017, at nagkabalikan taong 2019.
Pero muli ngang naghiwalay noong 2020 at never nang nagkabalikan.
Pag-amin ni Mikoy sa isang panayam, hindi na niya mabilang kung ilang beses naging on and off ang relasyon relationship nila noon ni Thea.
“Siguro na reach na rin namin yung limits…hindi limits pero parang we’ve done our part in each others lives and were okay with that,” sey ng “Pulang Araw” actor.