BINUWELTAHAN ng direktor na si Darryl Yap ang mga netizens na nagsasabing sinayang ng mga Pinoy ang chance na maging presidente si Atty. Leni Robredo.
Si Atty. Leni Robredo ay ang dating bise presidente ng Pilipinas na tumakbo sa pagkapangulo noong nagdaang eleksyon ngunit natalo kay Bongbong Marcos na ibinoto ng 31M Pilipino.
Isang post mula sa netizen na si “Armson Angeles” ang ibinahagi ni Darryl sa kanyang Facebook account.
“Ang babaeng sinayang ng 31M na Filipino. (Kung totoong 31M nga sila),” saad ng netizen sa caption.
Baka Bet Mo: Ai Ai bumuwelta kay Chloe, kinampihan ni Darryl Yap: Di ka niya kaya pati anak ko
Sey naman ni Darryl, “kayo nagsayang dyan. kung makatao kayong nangampanya baka naging katanggap-tanggap siya.”
Marami naman sa mga netizens ang nag-react sa sinabi ng direktor.
May mga nag-agree kay Darryl habang ang iba naman ay aminadong nagsisi sa kanilang binoto.
“True. If only Leny supported some of FPRRD’s that were obviously beneficial to the entire country then we could’ve voted for her. Wala na ngang nagawa puro pa critics binibigay,” saad ng isang netizen.
Pagsegundo naman ng isa kay Darryl, “Hinanap q hanggang ngaun ung word na sayang… Pero di q naman nakikita kung saan banda. Pakisabi matulog na lang hahaha.”
“Daming nabudol hahaha never again,” sey naman ng isa na tila nagsisi.
Hirit pa ng isa, “Ang tagal magpalit ng presidente, first time ko nanghinayang sa boto ko. Pinaglalaban ko pa dati hays, SAYANG NAMAN.”