‘Alyas Erin’ binasahan ng Miranda Rights, video ng pag-aresto nilantad

'Alyas Erin' binasahan ng Miranda Rights, video ng pag-aresto nilantad

ISINAPUBLIKO na ng Southern Police District (SPD) ngayong araw ang video ng ginawa nilang pag-aresto kay “Alyas Erin” o “Alyas Neri.

Naganap ang naturang police operation sa isang mall sa Pasay City nitong nagdaang Sabado, November 23.

Sa isang bahagi ng video ay mapapanood ang pagbabasa ng babaeng pulis sa inarestong aktres at negosyante ng Miranda Rights, ang doktrina na binabasa o sinasabi sa taong inaaresto hinggil sa kanyang human rights.

“Narito po ako para po ipaalam at ihain po sa inyo ang warrant of arrest na in-issue ni Judge Gina Bibat Palamos ng Regional Trial Court, Branch 111, Pasay City.

Baka Bet Mo: Neri Miranda powerful ang nakabangga sa negosyo kaya agad naaresto?

“Ito pong warrant niyo po ay para sa 14 counts under po siya Section 28 of R.A. 8799, on the Securities Regulation Code.

“Kayo po ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo, anuman po ang iyong sasabihin ay maaring gamiting pabor o laban po sa inyo.

“Kayo rin po ay may karapatan sa abogado, kung may kakayahan po kayo, may karapatan po kayong kumuha at pumili ng sarili po ninyong abogado, at kung wala po kayong kakayahan, bibigyan po kayo ng gobyerno,” ayon sa naturang pulis.

Nauna rito, ipinost ng SPD sa kanilang Facebook account kagabi, November 26, ang pag-aresto ng kanilang mga operatiba sa isang actress-businesswoman.

Ngunit hindi nila direktang pinangalanan ang aktres na itinago lamang sa “Alias Erin” (sa una nilang post ang nakalagay ay Alias Neri).

“A manhunt operation led by personnel of Sub-Station 10 Pasay City Police in coordination with Warrant and Subpoena Section, resulted in the arrest of alias Erin, a 41-year-old actress and businesswoman, at a basement convention center located in a mall in Pasay City on Saturday (November 23) at 2:50 PM.

“The accused, who is listed as Rank #7 (Station Level) for November 2024, was apprehended after a warrant of arrest was served for 14 counts of violation of Securities Regulation Code (Section 28 of R.A. 8799), docketed under Criminal Cases No. R-PSY-24-01653-CR to R-PSY-24-01654-CR and R-PSY-24-01829-CR to R-PSY-24-01840-CR issued by Hon. Gina Bibat Palamos, Acting Presiding Judge of the Regional Trial Court, Branch 111, Pasay City, on September 18, 2024, and October 16, 2024.

“Bail was set at P126,000.00 for each of the counts; and Estafa under Article 315 Par 2(a) in relation to PD 1689 (Syndicated Estafa) docketed under Criminal Case No. R-PSY-24-01652-CR issued by Hon. Ronald August L. Tan, Acting Presiding Judge of RTC Branch 112, Pasay City dated September 17, 2024, with no stated bail.

“A commitment order has already been issued by the court,” ang nakasaad pa sa FB post.

Samantala, sa ulat ng ABS-CBN, pinangalanan na nila ang aktres at negosyanteng si Neri Naig, base umano sa kanilang “multiple sources.”

“Actress and businesswoman Neri Naig was arrested for alleged estafa and violation of the Securities Regulation Code, multiple sources confirmed to ABS-CBN News on Wednesday,” sabi sa ulat.

Unang ibinalita noong November 24, ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog ang tungkol sa umano’y pagkaaresto kayNeri.

“May nagpasa lang ng impormasyon na ito sa amin na last November 23 ay inaresto ng Pasay City Police sa kasong paglabag sa section 28 of the RA 8799 o ang tinatawag na the securities and regulations code ng Securities and Exchange Commission ang aktres at tinaguriang ‘Wais na Misis’ na si Neri Naig Miranda.

“Di pa malinaw kung anong eksakto ang dahilan at kung sino ang mga nagrereklamo. Kung totoo man ito ay mas magandang mapakinggan din ang panig ni Neri.

“Ang iniisip ng aming source ay baka may nakabanggan o nakatransaksiyon si Neri na di niya nakasundo sa negosyo kaya umabot sa kasuhan.

“Sana ay mapakinggan natin ang bersyon ni Neri at ng mga nagreklamo sa kanya,” aniya pa.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Neri hinggil sa isyu. Bukas ang BANDERA sa magiging official statement niya pati na rin ang sa husband niyang si Chito Miranda.

Read more...