APRUB sa madlang pipol ang muling pag-join ng Kapuso actress at beauty queen na si Winwyn Marquez sa iba pang national beauty pageant.
Gumawa ng kasaysayan si Winwyn nang itanghal bilang kauna-unahang Filipina na kinoronahang 2017 Reina Hispanoamericana na pinagrereynahan ng mga Latina beauties.
Hanggang ngayon ay wala pang ibang Pinay na nakakakuha ng titulo at korona sa naturang international pageant.
Baka Bet Mo: Winwyn Marquez ibinandera na ang fiancé sa madlang pipol
Sa latest post sa Instagram ng Kapuso star at celebrity mom, mukhang may paramdam siya about returning sa pageantry.
Makikita rito si Winwyn na may bulaklak sa kanyang face with matching sparkle at crown emoji. Ang tanging caption niya sa post ay “Filipina.”
Kasunod nito ang pagbuhos ng mga comments mula sa kanyang fans and supporters na nagsabing sana’y lumaban siya uli sa beauty pageant partikular sa Miss Universe Philippines.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa muling paglaban at pagsabak ni Winwyn sa pageant.
“MUPH 2025!”
“Ayan na ang Latina slayer.”
“Ayan na syaaaaaa!”
“My gosh! This woman talaga ang inaabangan ko sa Miss Universe. Magaling to sa Q&A and the pasarela is everything. Go winwyn!”
“Ginalaw na ang baso.”
Si Winwyn ay anak ng dating celebrity couple na sina veterans Joey Marquez at Alma Moreno, at pinsan ng kapwa beauty queen-actress na si Michelle Dee, na umabot sa Top 10 ng Miss Universe 2023.